|49|

82 3 0
                                    

Sa kotse tumatawag si Zian kay Micaela pero hindi nito sinasagot. Nakailang text din ito.

Here we go again Micaela...Answer the phone.

Hindi pinansin ni Micaela ang sunod-sunod na text nito.

"Micaela, eh kanina pa tunog ng tunog ang cellphone mo..." si Mang Eddie. "Si Zian ba?"

"Opo."

"Aba'y sagutin mo. Ibang magalit ang boss mo na iyan."

"Hayaan niyo siya."

Ilang saglit pa ay tumunog cellphone ni Mang Eddie. Si Zian.

"Huwag mong sasagutin iyan Mang Eddie."

"Ay naku baka sa akin naman magalit..."

"Basta. Don't answer." sabi ni Micaela.

"Pakiwari ko'y may lovers quarrel kayo ni Zian ano? LQ ba..."

"Mang Eddie..." saway ng dalaga.

"Ay siya akala mo'y di ko alam ano? Sa akin na lumaki ang batang iyan. Lahat nang kalokohan niyan eh alam ko.

Tumunog ulit ang telepono ng matanda.

"Alam ko rin kung seryoso ang alaga kong ito...Hello, Zian?"

Hello, Mang Eddie are you with Micaela?"

"Ay oo ihahatid ko sa bahay ni Senator."

Bakit sa bahay ni Senator? Can I speak to her she's not answering my calls.

"Andito pero..."

"Tulog kamo Mang Eddie."  Bulong ni Micaela.

"Tulog. Masama yata ang pakiramdam."

"Sa tingin mo ba Mang Eddie, kalokohan lang ako?"

"Ha? aba'y bakit mo naman nasabi yan?"

"Alam mo  Micaela, yang si  Zian kapag seryoso sa isang bagay o sa isang tao gagawin niyan lahat para dito."

"Eh bakit parang ang dami dami kong hindi alam tungkol kay Zian?"

Nag-ring ang telepono ni Micaela.

"Tatay?"

Micaela, nasaan ka? tumawg sa akin si Zian ang sabi daw ni Mang Eddie papunta ka dito?

"Malapit na po kami diyan tatay."

"O sige, magpapahanda ako ng hapunan."

Don't Fall In Love with the DreamerWhere stories live. Discover now