|22|

88 5 0
                                    

"Ano po dean?! tama ba yung narinig ko may sponsor na ako for next year?"

"Yes Micaela. Do I look like I'm joking?"

"I-I'm sorry dean. Hindi lang kasi ako makapaniwala... pwede ko po bang malaman kung sino ang..."

"Micaela, you're forgetting something. Sponsors remain anonymous."

"Excited lang dean sorry po."

"But there's a deal on this Micaela." Inabot nito ang folder.

Binasa ni Micaela ang laman ng folder and came to a line that states she will not resign from her current job until she graduates. That means she will stay with Zian for the rest of the school year.

"Dean? bakit po kasama yung work ko kay Zian Sandoval? Kilala ba niya si Zian or si Zian ba ito?"

"It's better than nothing."

"Pero paano po kung ayaw ko na kay Zian and makakuha ako ng mas okay na work?"

"Is there any work better than yours now?"

"Dean...sa totoo lang po w-wala pero kasi minsan ang hirap pakisamahan ni Zian Sandoval. Mapapaisip ka..."

"Ganito na lang. I can tell the sponsor to revise that line into something more acceptable for you."

"Naku, naku huwag na po dean... okay na po. Nakakahiya naman sa sponsor baka sabihin ang arte ko imbes magpasalamat."

Pinirmahan ni Micaela ang contract. Hindi na tinapos basahin inabot ito sa dean.

"Maraming salamat po."

"Very well, congratulations amd enjoy your summer."

Matapos kausapin ang dean nagpasiya si Micaela na magikot-ikot muna sa mall. Wala namang schedule si Zian today so libre ang oras niya. Naisip niyang bumili ng bagong sapatos at damit.

Papasok na siya sa isang shoe store nang makasalubong niya si Charina at ang kaibigan nito.

"Oh, look who's here? Zian's PA."

Humarang ito sa daraanan niya causing some people to look at them.

"What are you doing at this high end mall? Day-off mo inday? Halika, come with us bitbitin mo itong pinamili ko."

Pinipigilan si Charina ng kaibigan niya dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao.

"Pasensiya ka na ha miss. Charina, let's go you're making a scene. Hinatak nito ang kaibigan. "Pasensiya na..."

Hindi naman ito sinagot o pinansin man lang Charina.


Don't Fall In Love with the DreamerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu