|40|

82 5 0
                                    

Wala sa penthouse si Zian nang dumating si Micaela. Tinext niya ito pero hindi ito sumagot. Sinubukan niyang i-dial ang number nito pero "cannot be reached." Ipinasya nito na matulog na lang.

Maagang gumising si Micaela. Sinilip niya ang kuwarto ni Zian pero wala ito. Hindi umuwi.

Sinubukan niya muling tawagan ito pero hindi pa rin ito ma-contact.

"Zian can be a hard boss. Dapat mahaba ang pasensiya mo. In an instance he can change from an angel to a devil."

Naalala niya ang advise sa kanya ni Barbie nang minsang magkakasama sila nina Rica mag-lunch.

"Trust me darling. Mawawala na lang 'yan nang biglaan... parang kabute. Kahit si Ms. Marinel hindi alam kung nasaan siya."

"Parang hindi naman kasi lahat naman ng lakad niya alam ko and nag-aadvise naman ngayon kung nasaan siya."

"Trust me. Sasakit ang ulo mo lalo na sa mga escapades niyan...Kaya nga kahit pinagduldulan ni Ms. Marinel sa akin ang posisyon mo na yan dati. Nevah!"

Ipinasya ni Micaela na magpunta ng mall para mamili ng kailangan niya sa ekwelahan.

Aaminin niya mahirap pakisamahan si Zian. Madalas lumalabas ang pagka bossy nito. Hindi pa rin siya ganoon ka sigurado kung mahal nga siya nito o pinaglalaruan lang siya.

Madali namang sabihin ang I love you kahit hindi totoo. Pero si Micaela unti-unti nang nahuhulog ang loob niya rito lalo na sa tuwing yayakapin at lalambingin siya nito.

"Don't fall in love with me Micaela..."

Bullshit! hindi naman ako ang nag-umpisa at lalong hindi ako ang nag-initiate. Hindi ko rin alam bakit madali akong napasunod ni Zian sa mga gusto niya. Gaga ka Micaela. Gaga.

Natapos niya ang mga kailangang bilhin. Madilim na din nang mag-decide siyang umuwi she did not expect a surprise waiting for her when she comes home.

Bukas ang ilaw sa bahay pagpasok niya. Naisip niyang nakauwi na si Zian. Sinubukan niyang silipin ang kuwarto nito at laking gulat niya dahil sa mismong kama nito ay nandoon si Zian at si Charina with nothing but only the sheets covering them.

Hindi agad nakagalaw si Micaela sa kinatatayuan nito. Nabitawan niya ang mga gamit na pinamili niya na ikinagising ni Zian.

Tumakbo si Micaela pabalik ng kuwarto nito at ni-lock ang pinto.

"Micaela! wait..." Ginising nito si Charina. Hindi magkandatuto si Zian sa pag tayo.

"Hey, Charina! get up! why are you here?! what happened?"

"Anong what happened? Zian...this is just like the old times... honey..." I'm sure you missed me..." Akmang hahalikan nito si Zian.

"Get out of my house Charina! Get out!" sigaw ni Zian na halos hatakin palabas ang babae.

"Hey, e-easy darling..." hindi magkandatuto si Charina sa pagbihis. Hila ito ni Zian palabas ng pinto. "Ano ba?! nasasaktan ako!"

Isinara ni Zian ang pinto.



Don't Fall In Love with the DreamerHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin