|18|

89 5 0
                                    

"Talaga? Si Zian Sandoval ang boss mo?!" gulat na tanong ni Ryan kay Micaela.

"Ssh. Huwag kang sumigaw masyado ka namang excited." sagot ng dalaga.

"Bakit parang pakiramdam ko ayaw mong maniwala Ryan? Si Meg.

"No hindi naman na-excite lang ako and at the same time natuwa kasi... imagine... ang kaibigan ko sobrang close kay Joseph the Dreamer." Masayang kwentuhan ng magkakaibigan.

"Kailan mo kami ipapakilala kay Zian?" tanong ni Meg.

"Naku kung pwede ko nga lang kayong dalhin sa bahay niya."

"Maiba ako tuloy na tuloy na tuloy na pala ang candidacy ng tatay mo." sabi ni Ryan.

"Oo nga daw." Sabi ni Meg.

"Yeah. Nagpadala na nga ng feelers sa ZAS. Parang gusto yatang kunin si Zian to endorse him."

"Paano yun? Pag tinanggap ni Zian eh di madalas kayong magkikita ng tatay mo?" tanong ni Ryan.

"Ano pa nga ba? Pero hindi ko muna iniisip yan ngayon."

Nag-ring ang phone ni Micaela. Si Zian.

"Where are you?"

"Still at school."

Hindi na nag reply si Zian. Tiningnan ni Micaela ang oras.

"Guys five na pala, tara na baka nandiyan na si Mang Eddie."

"Let's go." Sabi ni Ryan. "Meg sabay ka na sa akin."

"Okay."

Mula sa loob ng kotse kitang-kita ni Zian amg magkakaibigan. May kung anong selos ang naramdaman niya ng bumeso si Ryan kay Micaela. Naghiwalay ito nang makita ni Micaela ang kotse.

"Guys, sige andyan na si Mang Eddie." tumawid na ito pa-parking lot. Nagtataka lang dahil madalas ay nakatayo sa labas si Mang Eddie kapag hinihintay siya.

Hinatid ng tanaw ni Meg at Ryan ang dalaga. Kumaway ito bago pumasok ng kotse.


Don't Fall In Love with the DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon