Iginala si Micaela ng kanyang ama at ng tita Bella sa kabuuan ng mansiyon ng mga Alano. Ipinakilala rin siya sa mga tao dito. Ipinakita nito kay Micaela ang magiging kuwarto niya.
"Masyado naman po yatang malaki ito para sa akin."
"Micaela, walang maliit na kuwarto sa bahay na ito. And these are all yours. Everything you see. Sino nga yung best friend mo? Si Meg? you can let her stay here if you want to." Sabi ni Senator Alano. "Para may kasama ka."
"Malayo po ito sa trabaho niya."
"Let's go outside Micaela, May ipakikita kami sa'yo."
Palabas na sila nang sumalubong ang katulong.
"Ma'am Bella, may naghahanap po kay Ms. Micaela."
"S-Sino daw?" tanong ni Micaela.
"Si Zian po yung artista. Boss niyo daw po."
Napatingin si Micaela sa ama.
Bumaba sila para salubungin ito.
"Good morning Senator, Mrs. Alano..."
"Good morning, Zian. What brought you here?!" Nagtatakang tanong ni Senator Alano. "Come in... come in."
"Uhm, tatay... tatay may lakad nga pala si Zian today. Kailangan kong samahan."
"Akala ko ba you are free today?"
"B-Biglaan po. Babalik din ako pagkatapos."
Nagpaalam sila sa magulang ni Micaela.
Sa sasakyan.
"I went to your dorm, thinking na doon ka nagpalipas ng magdamag kay Meg. Naalala ko may schedule ka nga pala ngayon to visit yur father. Hindi na ako tumuloy."
"Just because sumama ako sa'yo doesn't mean I am okay. Nahihya lang ako sa tatay ko."
"Micaela, please... listen to me." Hinawakan nito ang kamay ng dalaga.
"Don't touch me." Tinabig nito ang kamay ni Zian.
"Where did you sleep last night?" Zian asked Micaela in a demanding tone.
"None of your business."
"Damn, Micaela I need to know where you slept last night."
Bumalik sila ng penthouse. Mabilis na pumasok ng elevator si Micaela kasunod si Zian.
BINABASA MO ANG
Don't Fall In Love with the Dreamer
RomanceWhen 20 years old Micaela Alano's scholarship from the university was cut off dahil sa pagkamatay ng kanyang sponsor she needed to look for a job to sustain her education. She cannot afford to stop lalo na at may dapat siyang patunayan sa kanyang am...