Chapter 37

1.4K 34 13
                                    

"What is this?" salubong na tanong sakin ni Ricci pagkalabas ko ng kwarto.

Hinarap niya sakin ang phone niya at nakita kong picture namin 'yon ni Sophia sa restaurant. Ricci Rivero got her pregnant, Zoey Hernandez, and this is their baby! I can't believe this! 'Yan ang caption ng post na pinakita niya.

Tumingin ako sakaniya at bakas ang inis sa mukha niya.

Ang daming comments and shares ng post na 'yon at karamihan sa comments ay hindi makapaniwala at nagagalit sakin dahil kasal na daw si Ricci kaya paanong nagka-anak kami. Ang iba naman ay natutuwa sa nalaman nila.

Biglang nag-ring ang phone ko at si Rasheed ang tumatawag.

["Zoey! Nakita mo—"]

"Yes. Nakita ko na Rasheed. Call you later, kakausapin ko lang ang kapatid mo."

Pinatay ko ang tawag nang hindi na hinintay pa ang sagot niya.

"Care to explain?" inis na sabi niya.

I took a deep breath..

"I did not plan this, okay? Kung 'yon ang iniisip mo. Hindi ko rin inaasahan 'to at hindi ko nagustuhang nalaman nila nang hindi nang-galing sayo o sakin so I am sorry."

"How.. paano nila nalaman?"

Nag-buntong hininga ako nang maalalang dahil kay Marie kung bakit nalaman 'to ng iba.

"Kay Marie. She was just so excited to meet Sophia that's why.." 

"Fuck!"

Nagulat ako sa naging reaksyon niya. Fvck. He's mad!

"Hindi nila dapat nalaman ang tungkol kay Sophia!" he shouted.

Matagal ko siyang tinitigan.

"Kung ganon, ide-deny mo siya?" masama ang loob, hindi makapaniwala kong tanong.

Napahilamos siya ng mukha niya.

"That's not what I meant, Zoey!"

"Huwag mo kong sigawan, Rivero." inis na sabi ko, nagtitimpi.

"I just.. fuck! I just don't want them to know about Sophia this early because—"

"Early? It's already too late! She's four years old! And why? Bakit ayaw mong malaman nilang may anak tayo?"

Hindi siya nakasagot agad pero nagkaroon ng ibang emosyon ang mukha niya.

"Really? You're asking me why?! Wala pa akong balak na ipakilala siya sa kahit kanino, especially sa mga fans. Ano nalang ang iisipin nila sakin? Kay Grace? You know exactly that we're still married, what the fvck?!" galit na sabi niya.

Binalot ng sakit ang puso ko sa narinig ko. So, ayaw niyang ipaalam sa iba na may anak na siya? Sakin? Ayaw niyang malaman ng iba ang tungkol kay Sophia. Great.

"Wala ka pang balak.. o wala ka talagang balak? Magkaiba 'yon, Ricci." puno ng hinanakit kong tanong.

Inis na kumunot ang noo niya.

"What do you mean?"

Sarkastiko akong natawa.

"Ricci. That night, I was there.." pag-amin ko sa narinig kong sinabi niya no'ng nakaraang gabi. "I know you're no longer in love with me. Alam ko rin na naguguluhan ka sa feelings mo kaya naiintindihan ko kung ayaw mong malaman ng iba ang tungkol kay Sophia. Kaya sorry kung dahil sa kadaldalan ni Marie ay nalaman na ng iba ang tungkol sa anak ko. I'll try my best to make palusot sakanila para hindi nila kayo pag-usapang mag-asawa." tipid akong ngumiti sakaniya bago siya tinalikuran.

Forced Marriage - COMPLETEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu