Chapter 17

1.3K 46 28
                                    

"Talaga?! Ikakasal kayo?!" gulat na gulat na tanong ni Sandara.

"Ni Papa Ricci?!" Shan.

Umirap ako, "Tsk. Oo nga." inis kunwari kong sagot.

Tumabi sila sakin dito sa couch at parehas na inilapit sa mukha ko ang mga mukha nila.

"Seryoso?! Paano?! Anong ginawa mo? Ginayuma mo ba?"

Malakas kong hinampas si Sandara sa braso niya kaya tumatawa-tawa siyang lumayo sakin.

"Hindi! Basta kailangan ng kompanya nila ng tulong. Tapos!" nauubusan ng pasensya kong sabi.

"Ah. So, you used their company para maipakasal kayong dalawa?" tanong ni Shan.

I held my chin using my left hand and slightly pinched my cheek using my right, "Hmm. Parang ganoon na nga.."

Tinulak ako ni Shan kaya nasubsob ako kay Sandara. Sinamaan ko siya ng tingin na ngayon ay tawang-tawa sa amin ni Sandara.

"Ang landi mo, Zoey!"

I smiled at her, "I know right!"

Tumawag si Mommy sakin na pupunta daw dito sila Tita ngayon kaya nag-ayos na ako. Hindi ko na muna pinauwi sila Shan dahil nagsabi sakin si Rasheed na kasama siya nila Tita.

Around two in the afternoon sila dumating dito kasama na rin sila Mommy kaya sinalubong ko agad sila at humalik sa mga pisngi nila.

"Sheedy.." nakangiti kong sabi, sinalubong niya naman ako ng halik sa noo. Palihim ko naman siyang inasar dahil nga nandito din si Shan.

Tumango lang ako kay Ricci na nakataas ang kilay sakin bilang pagbati saka ako naunang pumasok, kasunod sila.

"Shan." mabilis naman akong nilingon ni Shantelle.

"Doon muna kayo sa kabilang couch. Kay Rasheed." sabi ko saka lihim na sinulyapan si Rasheed na ngayon ay nakasimangot na sakin kaya natawa ako.

Uupo na sana ako sa tabi nila Mommy pero kay Ricci ako pinatabi nila Tita kaya walang imik akong sumunod.

"So, I just want to know lang kung bakit pumayag na si Ricci?" panimula ni Mommy. Gusto ko rin malaman.

Tahimik akong lumingon kay Ricci na mukhang hindi alam ang isasagot kay Mommy.

"I-I don't know, Tita. But this is the only way para matulungan ang kompanya namin. According to Zoey." sagot niya saka ako sinulyapan.

Hindi ko alam pero na-disappoint ako.

Akala ko kasi pumayag siya dahil gusto niya, hindi dahil lang sa sinabi kong wala nang ibang way para matulungan ang company nila.

Never expect. Never assume.

Tumango-tango si Mommy saka tumingin sakin at nagkibit-balikat lang ako.

Napatingin ako kila Shantelle at natawa ako sa sinabi ni Sandara nang walang boses, "Fighting!" Iiling-iling akong nag-iwas ng tingin sakanila.

"We decided na ipakasal kayo ng first week ng December and then kayo na magdecide kung anong date niyo gusto." sabi ni Tita.

Nagkatinginan kami ni Ricci at parehas nanlalaki ang mga mata namin. December?! Agad?!

I checked the date today on my phone at November 15 na ngayon. 19 days nalang ikakasal na kami kung first week?! Ganoon kabilis?!

Tumingin ako kila Tita at lahat sila nakatingin samin.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now