Chapter 5

1.2K 39 0
                                    

Weeks passed. Maayos na kong nakakalakad ngayon, hindi man mabilis ay masasabi kong nagiging okay na rin naman na siya kahit papaano.

Hindi kagaya noong sinipa ang paa ko, talagang kailangan ko ng nakaalalay sakin para makalakad, ngayon hindi na. 'Yon nga lang, hindi ko napanood ng live ang last game nila Ricci pero masaya ako dahil sila ang champions. Sapat na sakin 'yon.

Ipinaalam ko kay Coach Ramil ang nangyari sa paa ko at sinabihan ko na rin siya na siya nalang ang magpaliwanag sa mga prof ko para ma-excuse ako sa mga klase nila.

Sa pagkakaalam ko ay hindi pinalampas ni Coach ang nangyari sakin sa parking lot pero wala pa akong balita kung nalaman ba nila kung sino yung dalawang babae. Pero sana nga ay nalaman na nila dahil threat 'yun para sakin.

Imagine.. hindi ko sila kilala pero sila kilala ako at nagawa sakin 'yon, diba? I can sue them.

Napalingon ako sa phone ko nang umilaw 'yon, may notification.

My eyes widened, "Oh my god."

Abigail Uy Rivero sent you a friend request

Oh my goodness! Is it true?! Tita Abi added me?

Mabilis ko siyang inaccept at nagulat ako ulit nang bigla siyang mag message.

Abigail: Hello nak. Magiging busy ka ba bukas? If you have time, please, punta ka dito sa house? Birthday ni Ashton bukas. Para makita mo rin ang anak ko. ❤

Napaawang ang labi ko sa huling sinabi ni Tita. Hindi ako makapaniwala eh.. may puso pa.

May girlfriend si Ricci pero bakit ganon sakin si Tita? Pinapaasa ba ako ni Tita o talagang ayaw niya lang kay Grace?

I replied, "Okay po, Tita. See you tomorrow!"

Abigail typing...

Ano na naman kaya sasabihin ni Tita?

Abigail: Okay, 'nak. See you!

Naguguluhan man ay nakuha ko pa ring maging masaya at kiligin dahil kasundo ko ang Mommy ni Ricci. Ibig sabihin gusto niya ako. Pero nakakalungkot lang dahil hindi ako ang gusto ng anak niya.

Pero naniniwala naman akong para sakin talaga siya.

I smirked. Hindi ako nawawalan ng pag-asa at hindi 'yon mawawala. Alam kong tayo rin ang magkakatuluyan sa huli. Itinatatak ko 'yon sa abs mo, Rivero.

Kinabukasan ay naghanda ako ng damit na susuotin para sa birthday ni Ashton. Excited ako, sobra. Sabi nga ni Tita, makikita ko si Ricci kaya lahat ng kilos ko ay mabilis. Nakakainis lang dahil sumasakit ang paa ko kapag minamadali ko ang kilos ko.

Punyeta naman kasi nung dalawang babae na 'yon. Kung hindi nila sinipa ang paa ko, edi sana magaling na 'to! Ugh!

I was about to leave my room when my phone rang. It's Rasheed.

["Are you done? I'm here outside na."]

Wala manlang hi/hello. Nako, Rasheed! Minsan talaga hirap unawain ng ugali nito eh. Madala pala. Hindi minsan.

"Hello din, second Rivero. Eto na po, pababa na po." nang-aasar na sabi ko.

Siya kasi ang sundo ko papunta sa bahay nila. Duh? Hindi ko pa alam kung saan ang bahay nila kaya sabi ni Tita ipapasundo niya nalang ako kay Sheedy na masungit na parang laging may period na parang babae.

He tsked before ending the call.

Tamo 'to. Basta basta nalang pinapatay ang tawag wala manlang bye?! Kung siya kaya ang patayin ko?!

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now