Epilogue

2.5K 62 35
                                    

"You may now kiss your bride."

He smiled at me and gently kissed my lips.

Sa pangalawang pagkakataon ay muli kaming nangako na aalagaan at mamahalin ang isa't isa.

"Congrats, guys!" sigaw nila.

Hinapit niya ang bewang ko at hinalikan ang pisngi ko.

"I love you," he whispered.

"I love you more, hubby ko.."

Sabay kaming natawa at kasunod non ay ang paglapit samin ni Sophia. Niyakap niya kaming dalawa.

"Ang ganda ganda talaga ng baby ko." puri ko sakaniya dahilan para mag-blush siya.

"Thank you, Mimi." she answered as she kissed my cheeks.

Lumapit samin sila Mommy, dala ang kambal. Hanggang ngayon ay naiiyak pa rin si Mommy dahil sa wakas daw ay totoo na 'to, at talagang Rivero na ako.

Nandito rin ang mga fans naming dalawa kaya ang daming tao dito sa loob ng simbahan. Wala na kasi kaming kawala eh. Hindi na maitatago sa mga fans ang kasal dahil nag-propose siya sa mismong GT.

"Laters," he whispered.

"Excuse me?" nabibigla kong tanong sakaniya pero ngumisi lang siya at hinarap ang mga kaibigan niya.

Iiling-iling akong humarap kila Mommy pati kila Sandara.

"Gawa ulit kayo, triplets naman." malakas na sabi ni Aljun na pinagtawanan ng lahat.

Kakatapos lang ng kasal pero sumasakit na ang ulo ko sa sinabi nitong si Aljun.

"Congrats, Ate Zoey. Finally.." sabi ni Raegan at niyakap ako.

Kasama niya si Daniela. Kaibigan daw niya pero kita ko naman sa mga tinginan ni Daniela kay Raegan na she has feelings for him.

"Congrats, Ate." mahinhin na sabi ni Daniela. Natutuwa talaga ako sakaniya dahil ang simple niyang babae, walang ka-arte arte. Ang bait niya tapos itong si Raegan, maloko. Tsk!

"Thank you, Dani girl. Mapapa-ibig mo rin 'yan." pabulong kong sinabi sakaniya ang huli, namula naman ang mukha niya at nag-iwas ng tingin.

"I heard it." masungit na sabi ni Raegan.

Natawa nalang ako at lumapit na ulit kay Ricci. Mabilis niya naman akong hinawakan sa bewang at hinalikan sa sentido. The sweetest..

Hinagis ko ang bulaklak sa mga kababaihan na naghihintay sa likod at sa hindi inaasahan, si Daniela ang nakasalo. Mabilis silang tinukso ng mga kaibigan ni Ricci na mga players. Maging sila Tita ay nakangiti sakanila habang itong si Daniela ay pulang-pula na naman ang mukha.

Natawa ako sa ginawa ni Ricci. Hindi na niya kasi hinagis yung garter, talagang inabot na niya kay Raegan na ikinatawa rin ng mga lalaki. Sinimangutan naman siya ni Gelo. Siraulo talaga 'tong asawa ko eh. Naks, asawa.

One week...

Nandito kami sa France, ulit. Dito namin ulit napiling mag honeymoon at sana, hindi na maulit ang nangyari noon. Tiwala naman ako na hindi na mauulit 'yon.

Magka-hawak kamay kaming naglakad-lakad. Ako taga turo ng bibilin, siya naman ang taga-bili. Hindi naman siya nagrereklamo eh and besides, I actually find it sweet, lalo na at siya ang kasama ko. 

Inaya ko siya sa love lock bridge kung saan namin ni-lock ang pangalan naming dalawa noon.

I never imagined na babalik kaming dalawa dito na magkasama, na iisang apelido ulit ang gamit. Rivero.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now