Chapter 4

1.2K 35 5
                                    

"Zoey, can we talk?"

Agad na sumimangot ang mukha ko nang salubungin ako ni Grace sa parking lot ng La Salle.

Hindi na nga maganda ang umaga ko dahil sa paa ko tapos siya pa ang sasalubong sakin. Tsk. Dapat si Ricci nalang.

Umaliwalas ang mukha ko nang maalala yung kagabi. Kung paano niya ako alalayan. Kung paano niya ako alagaan. Halos nanatili siya sa bahay ko ng ilang oras din para bantayan ako. Sa tuwing tatanggihan ko siya wala siyang ibang sinasabi kung hindi, "Please, hayaan mo na ako. Uuwi rin naman ako kapag nasigurado ko nang okay ka na talaga." Hindi ko mapigilan kiligin pero hindi ako umaasa dahil alam ko namang ganon talaga siya. Mabait. Malay mo hindi lang sakin o kay Grace, sa iba din pala.

I sighed and stared at her, "What are we going to talk about?"

She raised her brow, "What's this?!" tanong niya at hinarap sakin ang phone niya. Puro pictures namin ni Ricci kagabi sa gym. Meron pa na inaalalayan niya akong sumakay sa kotse ko.

"Tinulungan niya lang ako." simpleng sagot ko at tinuro ang paa ko na may benda. Fvcking ankle injury! Halos ilang linggo tuloy akong hindi makakapaglaro dahil sa kalandian ko. Tsk.

"Tinulungan ka, o nilandi mo talaga?" mataray na tanong niya.

"Excuse me?" nginisihan ko siya, "Siya ang kusang lumapit at hindi ako."

"At sa tingin mo maniniwala ako sayo?"

I rolled my eyes. Nakakaubos naman ng pasensya 'to. Nagtanong tapos hindi naman maniniwala.

"Alam mo, Grace. Kung hindi ka rin naman pala maniniwala, sana hindi ka nalang nagtanong diba?" inis na sabi ko. "Saka pwede ba? Lumayo ka nga sakin. Baka hindi kita matantya at tamaan ka. Ganitong masakit ang paa ko eh huwag mo kong buwisitin, ah."

Inirapan ko siya at ika-ikang pumasok sa loob ng campus. Mabuti nalang at nakita ako nila Dannielle at Micaella kaya natulungan nila ako papunta sa classroom ko. Hirap na hirap akong maglakad pero ayaw ko naman umabsent, saka wala rin naman akong gagawin sa bahay, ako lang mag-isa don. Edi dito nalang ako sa school, nakita ko pa si Ricci.

Ayan, Zoey, ayan, kalandian. Napala mo tuloy, ankle injury. Malandi ka kasi. bulong ng isang parte ng isip ko.

Napailing nalang ako.

-

"Oh, kumusta katangahan?" Sandara asked while eating her lunch.

Shantelle smirked, "Kalandian kamo."

Hanga na talaga ako sa babaeng 'to eh. Straight na magsalita.

"Paano mo naman nasabing kalandian, aber?" taas-kilay na tanong ko sakaniya.

Pinandilatan niya ako ng mata, "Gaga ba you? Kalat ang pictures at videos mo with Ricci last night."

Ayan na naman siya. Sakit sa tenga.

"Zoey!" tawag sakin ng pamilyar na boses.

Doon nga ay nakita ko si Ricci kasama si Sheedy.

"Sheedy!" natutuwang tawag ko sakaniya at mabilis na tumayo pero mabilis ding napangiwi dahil sa sakit na naramdaman ko sa paa ko. Nabigla! Ang sakit!

"Hey, are you okay?" Ricci asked. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Si Rasheed naman ay nag-aalala nga ang mukha pero nakuha pa ring ngumisi at naglipat-lipat samin ni Ricci ang tingin, nang-aasar.

Sinamaan ko ng tingin si Ricci. "Mukha ba akong okay?" masungit kunwaring tanong ko. Wala pa ako sa mood lumandi ngayong may masakit pa sakin.

Kumunot ang noo niya, "Tinatanong lang eh." parang batang bulong niya saka ako inalalayan paupo. Ramdam kong nag-init ang mukha ko.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now