Chapter 13

1.4K 45 27
                                    

W A R N I N G ! ! !

-

Dalawang linggo na rin mula noong muntikan na akong mapagsamantalahan. Sa sobrang hiya na nararamdaman ko ay hindi ko kinausap si Ricci sa dalawang linggo na 'yon. Hiyang hiya ako. Dahil nga kasalanan ko.

Hindi pa ulit ako nababalik sa bahay nila dahil bukod sa hiya ay nagbukas na rin ang restaurant ko noong isang araw lang. Kaya sobrang naging busy ako dahil marami rami na rin ang kumakain dito. Lalo na yung mga nagtatrabaho sa kompanya. Medyo malapit kasi kami sa mga companies dito sa Manila kaya medyo marami na agad kaming customers.

Kanina ay nagpunta dito si Ricci pero agad akong pumasok sa office ko at sinabi ko kay Marie na sabihing wala ako.

"Ma'am. Ship ko kayo ni Ricci. Bagay kayo. Tapos kapag kayo nagkatuluyan at nagkaanak, mukhang bola 'yon panigurado." natatawang sabi niya.

Tumingin ako sakaniya at humawak ako sa baba ko, "Hmm, bola.."

"Opo, Ma'am." mukhang wala sa sarili niyang sagot saka siya tumawa.

"Bola pala. Gusto mo bang mawalan ng trabaho, Marie?" tanong ko at nginitian siya ng sobrang tamis.

"Opo, Ma—balik lang po ako doon. Marami raw po kasing ginagawa. Diyan po muna kayo, Ma'am.." mabilis na sabi niya saka mabilis ding nawala sa paningin ko.

Natawa ako at umiling-iling. Bola amp.

"Zoey."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ricci sa harapan ko. Bakit nandito siya? Hindi ko manlang namalayan na pumasok siya ng restaurant? Sabagay, medyo may kalakihan din kasi 'to.

"Namiss mo na naman ako." pag-bibiro ko saka sinundan ng pekeng tawa.

"Why are you avoiding me?" tanong niya.

Bahagya akong napanguso. Sabi ko nga hindi niya ako namiss.

"I am not avoiding you." masungit na sabi ko.

"Seriously, what's the problem?"

Sinalubong ko ang tingin niya at saka nagbuntong hininga, "Can't you see I'm busy?"

Inis siyang tumingin sakin at inirapan ako, "Naiinis na ko, Zoey. Ano ba talagang problema? Bakit ayaw mo kong kausapin? Bakit iniiwasan mo ko?" Kunot noo niyang tanong.

"Hindi nga kita iniiwasan. Sadyang busy lang ako."

Lumingon ako kay Marie nang lumapit siya samin ni Ricci. Tinaasan ko siya ng kilay para tanungin kung bakit.

"Hinahanap po kayo ni Sir Luke." nahihiyang sabi niya.

Bahagya kong nilingon si Ricci at nakita kong nakakunot ang noo niya.

"Papuntahin mo siya sa office ko. Wait niya kamo ako don." sabi ko. Mabilis naman siyang tumango at umalis.

"Who is he?" Ricci asked.

I raised my brow, "It's none of your business." sabi ko. Tatalikod na sana ako nang muli ko siyang tiningnan, "I'll talk to you some other time. Take care." sabi ko saka umalis na.

Naglakad ako papuntang opisina ko at nakita ko nga si Luke na naghihintay sakin. May dala pa siyang donut na mabilis kong kinain na ikinatawa niya.

"So, what are you doing here?" tanong ko habang ngumunguya.

"Let's eat outside?" nakangising tanong niya.

"Na naman?! Saka wag mo nga akong ginagago, Valderama. Restaurant na 'tong pagmamay-ari ko tapos aayain mo pa akong kumain sa labas? Seriously?"

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now