Chapter 6

1.1K 36 0
                                    

Isang buwan ang lumipas at ngayon ay season81 na ng women's volleyball. Sa loob ng isang buwan ay wala akong inatupag kundi ang pumasok sa klase at mag training pagkatapos. Paulit ulit lang na ganon, araw araw. Papasok akong hindi pagod, pag-uwi ay pagod na pagod naman. Halos sa gabi hindi ko na magawang kumain dahil sa pagod ko galing sa training.

Ngayong araw ang first game namin laban sa UST. Kinakabahan ako at the same time ay excited. Ako ang captain at huling taon ko na 'to kaya hindi ko pwedeng biguin ang buong team at ang La Salle.

"Hey, bee!" sigaw sakin ni Shan na nasa likod lang ng bench namin, kasama si Sandara.

Lumapit ako sakanila at niyakap nila ako, sa simpleng yakap nila ay nabawasan ang kaba na nararamdaman ko.

"Good luck, babe! Tandaan mong proud kami sayo, okay?" sabi sakin ni Sandara. Nginitian ko siya.

"Galingan mo, Captain! Last year mo na 'to!"

"Thank you, girls! I love you both!"

Nagpaalam na ko sakanila dahil tinawag na ko ni Coach.

Paulit ulit ang pagtuturo niya samin, ang mga paalala niya. Lalo na sakin dahil ako nga ang captain.

Naupo muna ako at tahimik na nagdasal para sa unang laban namin, maya maya ay narinig kong tumunog ang phone ko na nasa loob ng bag ko. Pasimple akong tumingin kay Coach bago ko kinuha ang phone ko. Paniguradong papagalitan ako niyan pag nakita niyang ginagamit ko ang phone ko.

One message. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kanino galing 'yon.

From: Ricci

Good luck, Captain. I'll watch you.

Oh my g! Bakit parang mas kinabahan yata ako sa kaisipang panonoorin niya ako? Baka hindi makapag focus sa laro! Kidding. Palagi akong tutok sa paglalaro kahit sa training lang. Noong nag-inarte lang talaga ako hindi nag focus. Ayon nga, na-injury tuloy!

To: Ricci

Thank you! Where are you?

Wala pang isang minuto ay nagreply na siya.

From:

Behind you.

What?

Tumingin ako sa likod at nagulat ako dahil nasa mismong likod ko lang din siya!

Tumayo ako at hinarap siya.

"Hey.." bati ko. He smiled!

Nagtilian ang mga fans na nakakakita samin. Shit!

"Galingan mo ha." nakangiting sabi niya.

Bago ko pa siya masagot ay may lumapit na samin.

"Tita?! Tito?!" Gulat kong sabi sa mga magulang ni Ricci. Kasama rin nila si Rasheed.

Ngumiti sila sakin. Oh my god! Akala ko si Ricci lang ang manonood, pati pala parents niya?

"Hello, 'nak! Galingan mo, okay? Panoorin ka namin!" sabi ni Tita at niyakap pa 'ko saka bumeso.

Pansin ko ang mga camera na nakatapat samin. Patay na naman ako nito.

"Good luck, 'nak. Just enjoy the game." sabi ni Tito at gaya ng ginawa ni Tita, niyakap niya rin ako.

Nginitian ko sila, "Thank you, Tita and Tito."

Grabe ang sweet nila! I miss my parents..

"Picture, Captain!" sabi ni.. Sandara.

Forced Marriage - COMPLETEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن