Chapter 25

1.4K 41 11
                                    

"What's the result, Doc?" rinig kong tanong ni Ricci sa kaibigan nilang Doctor. Ramdam ko sa boses niya ang tuwa nang itanong 'yon.

Sinundan ko siya dito dahil ngayon ang labas ng resulta ng DNA. Sinabi kasi sakin ni Rasheed ang ginawa ni Ricci no'ng nasa park kami. Hindi sa ayaw kong makilala niya ang anak niya, ipapakilala ko naman sila sa isa't isa pero hindi ngayon ang tamang panahon para don. Lalo na at may asawa na siya.

Doc Raven smiled at him a little saka iniabot ang envelope kung nasaan ang resulta ng DNA Test na pinagawa niya.

Ang magandang ngiti niya ay unti-unting nabura nang makita ang result at parang nadurog ang puso ko nang makita ang isang butil ng luha na pumatak galing sa mga mata niya.

"N-Negative.." hindi makapaniwalang sabi niya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pagpipigil ng emosyon.

"I'm sorry, Ricci.." Doc Raven said, guilty. I'm sorry too, Doc Raven.

Kinausap ko kasi siya na gawing negative ang resulta. Kilala niya naman ako dahil no'ng kasal namin ni Ricci ay nandoon siya. Alam niya rin kung anong nangyari sa pagitan namin dahil na rin sinabi ni Rasheed. Kaya ngayon ay wala siyang nagawa kundi pumayag sa sinabi kong gawing negative ang positive na result.

"It's...It's okay.." sabi ni Ricci na nakatingin pa rin sa papel. "Masiyado akong nag-assume. Masiyado akong nagpadala sa nararamdaman kong saya kapag kasama ko si Sophia. A-Akala ko nabuntis ko siya at ako ang ama ng anak niya, hindi pala." he said, disappointment was written all over his face and I am so guilty because of what I did.

Napatingin sa gawi ko si Doc Raven at malungkot siyang ngumiti.

Muli akong nagtago nang makita kong tumayo si Ricci at nagpaalam sa kaibigan saka lumabas dala pa rin ang resulta.

Hinintay ko siyang makalayo-layo muna bago ko siya sinundan at nasasaktan ako sa nakikita ko.

Wala sa sarili siyang naglalakad at nabubunggo na siya ng mga nakakasalubong niya pero wala siyang pakialam.

Sumakay siya nang kotse niya at sumakay ako sa kotse ko para sundan siya hanggang sa makarating kami sa bar.

Sunod lang ako nang sunod sakaniya at sa dulong table siya pumwesto. Ako naman ay binabantayan lang siyang uminom.

Inilabas niya ang phone niya at tumitig doon. Maya maya ay umiiyak na siya at na-curious ako kung bakit kaya lumipat ako ng table, yung nasa likod niya.

Maingat kong sinilip ang phone niya at nagulat ako dahil picture niya 'yon kasama ang anak namin. Nung nasa may hagdan sila. Kinukuhanan niya pa ng video si Sophia habang nagsasalita at naririnig ko ang tawa niya.

Sa napakalakas na tugtog dito sa loob ng bar ay narinig ko pa rin ang paghagulgol niya at ang tawa niya sa video.

Gusto kitang yakapin. Pasensya na kung kailangan kong gawin ang ginawa ko. Pero huwag kang mag-alala, pipilitin kong itama ang panahon para sa inyong dalawa. Para makilala niyo na ang isa't isa.

Alam kong lasing na siya dahil sinandal na niya ang ulo na at pumikit kaya tinawagan ko na si Rasheed para ipasundo ang kapatid niya.

Hindi rin naman nagtagal ay nandito na siya.

Mula sa may ulo ni Ricci ay sinilip ko ang mukha niya. Marahan kong hinaplos ang kaliwang pisngi niya at hinalikan siya.

"I'm sorry, love.. I love you." I whispered as I gently kissed his lips.

Ngumiti sakin si Rasheed.

Tumayo ako at pinunasan ang luha ko saka tinulungan si Rasheed na alalayan si Ricci.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now