Chapter 8

1.1K 30 7
                                    

"Sige, exit na 'ko." Dannielle said, smirking. Inirapan ko naman siya.

Lumabas nga siya ng kwarto habang si Ricci naman ay inilapag sa tabi ko yung pagkain na dala niya.

"Baka bigyan ko na ng meaning 'yan, ah?" pabiro ko sabi sakaniya.

He stared at me, "What?"

"What-dog."

"Funny?" seryosong sabi niya.

Sumimangot naman ako at nagsimulang kumain, "Grabe, ang sungit.." bulong ko pa.

"May sinasabi ka ba?"

Sinamaan ko siya ng tingin, "Wala. Lumabas ka na nga. Ang sungit mo!" inis na sabi ko.

Umiling siya at naupo sa tabi ko saka kumuha sa pagkain ko.

Pinitik ko ang kamay niya, "Para sakin ba talaga 'to? Bakit nakikihati ka?!"

"Sungit mo naman?"

I raised my brow, "Ako pa talaga?"

Inirapan ko siya saka nagtuloy sa pagkain ko. Isusubo ko na sana ang kutsara nang matigilan ako sa sinabi niya.

"Okay, ako na. I'm sorry. Nag-alala lang ako sayo, okay?" he said, looking directly at me eyes. I looked away. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

Nag-alala lang ako sayo

Nag-alala lang ako sayo

Nag-alala lang ako sayo...

"N-Nag-alala ka talaga? Bakit?" hindi talaga makapaniwalang tanong ko.

Umiwas siya ng tingin, "Kasi.."

"Kasi?"

"K-Kasi.. Ano..." hindi niya masabi.

Huminga ako ng malalim, "Kasi nga ano?!"

"Kasi natamaan kita ng bola." mabilis na sabi niya, sa paraang hindi masiyadong maririnig pero rinig na rinig ko!

"Ikaw 'yon?!" inalis ko ang tray ng food na nasa lap ko at nilagay sa lapag.

Kumuha ako ng unan at pinaghahampas siya, panay naman ang pag-ilag niya.

"Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon ha?! Nahilo ako! Nawalan ako ng malay! Bwisit ka!" sabi ko at patuloy siyang hinampas. Tumatawa naman siyang umiilag at paminsan-minsan ay sinasapo ang unan.

"Argh! Nakakainis ka ta—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang hawakan niya ang parehas kong kamay at hinila kaya bumagsak ako sa ibabaw niya. Parehas kaming nawalan ng imik. Nagkatitigan lang kami. Hanggang sa bumaba sa mga labi ko ang paningin niya.

Hinawakan niya ako sa batok at dahan dahan niyang ibinababa ang mukha ko sa mukha niya at kusa nalang akong napapikit nang maglapat ang mga labi namin. Gumalaw ang labi niya na ginaya ko hanggang sa lumalim ang paghalik niya na tinutugon ko.

Pinulupot niya ang kaliwang braso niya sa bewang ko at ang isa ay nasa batok ko pa rin. Kusa namang napahawak ang dalawa kong kamay sa may taas ng dibdib niya habang siya ay mas pinapalalim ang halik niya hanggang sa pagpalitin niya ang pwesto namin. Ako na ang nasa ilalim at siya na ang nasa ibabaw ko. Ganito ba talaga ako kapatay na patay sakaniya na maski ang bigat niya na nasa ibabaw ko ay nagugustuhan ko? Mahal kita... bulong ko sa sarili ko.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now