Chapter 34

1.4K 34 23
                                    

Days has passed and I am still here at my condo.

Hindi ko kayang lumabas. Hindi ko siya kayang harapin. Pakiramdam ko wala akong mukha na maihaharap sakaniya dahil sa hiya kaya nandito lang ako.

Wala rin akong balita kung kamusta na siya dahil kahit ilang beses tumawag si Rasheed at sila Mom para papuntahin ako doon ay hindi ako nagpunta. Hindi rin ako sumagot maski isang tawag nila. Hiyang hiya ako.

Kung naniwala lang sana ako sa mga paulit-ulit na sinabi niya, edi sana hindi nangyari 'yon sakaniya.

Ilang araw na ang lumipas pero hindi nawala sa isip ko ang itsura niya. Ang namumutla niyang mukha at nanghihina niyang katawan.

Sa ilang araw na 'yon ay halos wala rin akong tulog kahit pa nasa bahay lang ako dahil panay ang pag-iisip ko kay Zoey.

Kung ano ang mga ginawa sakaniya ni Grace na ngayon ay hawak na ng mga pulis dahil sa mga magulang ni Zoey. Kung anong naramdaman niya. Lahat lahat naisip ko tungkol kay Zoey mula no'ng nanatili lang ako dito sa bahay. Hindi umikot sa iba ang isip ko, sakaniya lang at sa sinabi niya na anak ko si Sophia.

Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit sa DNA Test ay negative ang result kahit anak ko naman pala talaga si Sophia.

Masasagot lang ang mga tanong ko kung pupuntahan ko si Doc Raven kaya 'yon ang ginawa ko.

Nagpalit ako ng shirt saka kinuha ang susi ng kotse at phone ko saka ako nagmamadaling umalis.

Minutes later, nasa ospital na rin ako at deretso agad ako kay Doc Raven.

Ngumiti siya nang makita ako.

"Cci." sabi niya saka ni-tap ang shoulder ko. Tumango naman ako.

Naupo ako sa single couch at naupo siya sa harapan ko.

"So, why are you here? May problema ba?" he asked and smiled a little.

I raised my brow.

"The DNA Test."

Unti-unting nawala ang ngiti niya.

"W-What.."

"Care to explain, Doc?" I sarcastically said.

He took a deep breath.

"That day.. when you gave me the hair, Zoey was here. Sinabi daw sakaniya ni Rasheed ang ginawa mo kaya nakiusap siya sakin na gawing negative ang result."

Bakit niya ginawa 'yon? Ayaw niya ba na makilala ko ang anak ko? Hindi ko ba deserve na makilala ang anak ko? Maybe because she was mad kaya ayaw niyang ipaalam sakin na may anak kaming dalawa.

"Nakita niya kung paano ka nalungkot dahil sa result and if I'm not mistaken, sinundan ka niya." He shrugged.

Nagbuntong hininga ako.

Hindi ako sigurado sa dahilan na naisip ko kung bakit ayaw niyang malaman ko na may anak kami, pero sana ay dahil lang sa galit niya sakin ang dahilan kung bakit hindi ko nalaman ang tungkol kay Sophia kasi kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nagpaalam ako kay Doc Raven at umalis na ako ng ospital.

Bumalik ako sa condo at dere-deretso lang akong pumasok sa loob. Nagulat pa ako nang makita si Mom sa living room, nakaupo sa couch at deretsong nakatingin sakin. Nakataas ang kilay.

"Mom." nabibigla ko pa ring bati.

Lumapit ako sakaniya at humalik sa pisngi niya.

"What is your problem? Why don't you visit her?" mabagal na tanong ni Mom. Walang emosyon.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now