Chapter 9

1.1K 31 2
                                    

"Bar tayo?"

Tapos na rin naman ang klase namin for today and wala kaming class bukas so pwede ko sila ayain.

Sabay silang lumingon sakin at natigilan sa paglalakad.

"Why?" I asked, confused.

"Bar? Seriously?" hindi makapaniwalang tanong ni Sandara.

I raised my brow, "Why, oh, why?"

"Seriously, bee? Diba you don't want to go to bar kase there's a lot of pervert?"

Oh, yes, totoo. Kasi siyempre puro kami girls tapos mag-iinom kami sa bar. Delikado 'yon for us kaya palagi kong sinasabi sakanila na kung gusto nila mag-inom, doon kami sa bahay ko.

Ngumuso ako, "Ngayon lang naman eh."

Wala rin silang nagawa kaya dumeretso kami sa isang bar sa BGC.

Medyo marami nang tao kahit 6PM palang. Mamaya 'yan ay paniguradong napakaingay na dito at mas lalong dadami ang tao.

Umorder kami ng isang bucket saka nagkwentuhan lang. Dito kami pumwesto sa dulo.

"Kumusta, Cebu?" Sandara asked.

Nginisihan ko siya, "Cebu pa rin naman.." tumawa ako ng malakas matapos siyang sagutin.

"My gosh, bee! Are you drunk already?" halatang may tama na si Shantelle kasi tumatayo na sa harap namin at magsasalita nang magsasalita habang tumatawa na may kasama pang hampas.

"You are." sabi ko.

Tinawanan ko sila saka muling sumagot, matino.

"I had a fight with Ricci fvcking Rivero!" sabi ko at lumingon kay Sandara, "He heard me talking to you Shan and said I love you too. By as in baby yung akala niya rin siguro. Then he said marami daw sila. Hahaha! Ang gago diba? Sabi niya parang nagugustuhan na niya ako tapos wala siyang tiwala. Ricci fvcking Rivero." dagdag ko pa. Hindi ko na napansin na tumutulo na pala ang luha ko.

Ngumiti ng nang-aasar si Shan, "Uhh, she's crying..." sabi niya at tumingin sa may likuran ko.

I smiled bitterly, "Ang gago niya naman kasi. Para siyang tanga."

Mabilis kong ininom ang alak na nasa baso ko pa, deretso. Napapikit nalang ako sa pait pero inubos ko pa rin ang laman ng baso ko.

"Babe.."

Lumingon ako kay Sandara nang tawagin niya ako.

"Hm?"

Ngumiti siya sakin, "Not you.." Natawa si Shan sa sinabi ni Sandara.

Oh? Akala ko ako. Ako lang naman ang babe niya dito, unless nandito si—wait, hindi ako?

"Who?"

Ngumuso siya sa may likuran ko kaya lumingon ako at nakita ko si Andrei, kasama si Ricci. Si Ricci na nakatingin sakin. Tumingin naman din ako sakaniya na parang wala lang.

Tumayo si Andrei at tinapik sa balikat si Ricci bago lumapit samin at naupo sa tabi ni Sandara. Kumindat pa siya sakin matapos maupo. Inirapan ko naman siya at uminom nalang ulit.

"Kumusta naman ang Cebu, Zoey?" tanong bigla ni Andrei at nakakalokong ngumiti sakin. Binatukan naman siya ni Shan.

"Parehas kayo ng question!" natatawang sabi ni Shan.

"Oh." sabi ni Andrei at muling tumingin sakin, "Alam niyo ba girls.." muli na naman siyang nagsalita at ngumisi sakin.

"Alam niyo ba na masarap tumambay sa tabing dagat lalo na kung may kasama ka.."

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now