Chapter 16

1.2K 46 26
                                    

Nagtataka ako. Actually ilang araw na. Dahil mula noong umaga na 'yon ay hindi ko na nakita pa si Ricci. Hindi ko alam kung busy lang ba talaga siya o ayaw niya lang magpakita. Pero bahala na. Hindi ko rin naman kasi matanong kay Rasheed kasi nahihiya ako?

Sa ilang araw na hindi nagparamdam sakin si Ricci ay inabala ko ang sarili ko sa restaurant para hindi ko siya isipin nang isipin.

"Ma'am, may naghahanap po sainyo."

Nag-angat ako ng tingin kay Marie at tumango saka ako lumabas ng opisina ko.

Napangiti ako nang sumalubong sakin sila Tita Abi at Tito Pao.

"Tita! Tito!" masaya kong bati saka sila niyakap pareho.

"Kamusta ka naman, 'nak?" tanong ni Tita.

"Okay naman po, Tita. Busy lang talaga."

"Nagkausap na ba kayo ni Ricci?" Tito.

Alanganin akong ngumiti at umiling. "Actually po... natulog siya sa bahay ko nung isang araw pero hindi ko na po siya nakita ulit."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Tita sa sinabi ko kaya kagat-labi akong nag-iwas ng tingin.

"Natulog siya sa bahay mo? Anong nangyari?" gulat niyang tanong.

"Opo. Ay, wala pong nangyari, Tita.." Pero noong nakaraan po meron.

Tila nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko.

"Bawal pa, okay? You need to be a Rivero muna bago niyo gawin ang bagay na 'yon.."

Oh my god! Tita, naibigay ko na. Nagawa na namin. Lihim akong natawa sa dahil sa sinabi ko sa isip ko.

"Virgin ka pa ba?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tinanong ni Tita?

"Tita naman!" sabi ko at ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.

"Tinatanong ko lang." tumatawang sabi niya.

Ngumuso lang ako at hindi na sumagot.

"By the way, 'nak.. Bukas pupunta kami ulit dito para makapag-usap kayo ni Ricci."

Hindi ko man alam kung para saan ay tumango pa rin ako.

Matapos namin kumain ng meryenda ay umalis din sila para daw puntahan sila Mommy. Sinabi kong ako nalang ang kakausap sakanila pero pinilit ni Tita na sila na daw ni Tito.

Noong gabi ay tinawagan ako ni Rasheed para ipaalam kung anong nangyari kay Ricci dahil hindi na rin ako nakatiis kaya't tinanong ko na siya.

Sinabi niyang pumunta dito si Grace at nakita niya kami Ricci. And he said that nag-away silang dalawa kaya daw naisipan ni Ricci na umiwas na talaga sakin.

Kinabukasan nang pumunta ako ng restaurant ay sinadya kong magpa-late. Sinabi lang sakin ni Mommy na nandoon na daw sila pati si Ricci kaya nagpunta na din ako.

Pagkapasok ko ng restaurant ay tinanggal ko ang salamin ko. Inayos ko rin ang pagkakasukbit ng bag ko saka ko sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Mabilis kong naagaw ang atensyon ng mga kumakain kaya lihim akong napangisi.

Maging sila Mommy at sila Tita Abi ay napatingin sakin dahil sa ginawa kong pagpasok, maliban kay Ricci na nakatalikod sa gawi ko.

"Oh my god, Ma'am Zoey! You are so gorgeous!" salubong sakin ni Marie na nakatulala sakin. Nakangiti akong binati ng mga waiter.

"Nandito si Ricci at nandito rin si Zoey. Oh my!"

"What is the meaning of this?"

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now