Chapter 15

1.3K 35 20
                                    

It's been two weeks already mula nang makalabas ako ng hospital. Hindi ko na rin siya nakita ulit matapos non. Siguro okay na rin 'to. Palagi kasi akong talo.

Gumagaling na rin ang sugat ko paunti-unti. Yung mga pasa na nakuha ko sa aksidente ay light nalang rin ngayon.

Bumaba ako at dumeretso sa kitchen, naabutan ko sila Mommy at Daddy na seryosong nag-uusap kaya hindi muna ako tuluyang pumasok.

Narinig kong pinag-uusapan nila ang kompanya nila Ricci.

Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin ni Mommy na unti-unti nang bumabagsak ang kompanya nila kaya nanghihingi sila ng tulong sa kompanya namin—kila Mommy.

I walked towards them and kissed their cheeks saka nakisalo sakanila kumain.

"We need to help them." Mom said.

Dad sighed and nodded his head, "Of course.."

Biglang may pumasok sa isip ko. I know this is katangahan again but I just want to know if he's willing to sacrifice for his family.

"Mom, Dad. Tell them I want to marry Ricci kapalit ng help niyo sa company nila.." I know na walang kapalit ang help nila kaya nag-suggest nalang ako. Hihi!

My Mom's eyes widened because of what I said. Nahinto rin si Daddy sa pagkain nang marinig ang sinabi ko.

"Are you serious, Zoey?" Mom asked and I nod. Hundred percent sure.

"Hindi biro biro ang pagpapakasal, anak." sabi ni Dad.

"Dad naman! Hindi naman ako nagbibiro. Seryoso ako. Gusto kong pakasalan si Ricci."

Natawa si Dad. "Iba na talaga ngayon. Babae na ang gustong mag-aya ng kasal sa lalaki. Tsk.. Tsk.." umiling-iling si Daddy habang sinasabi 'yon na siyang nagpasimangot sakin.

I want to tell them my reason kung bakit gusto kong pakasalan si Ricci pero ayaw kong sabihin agad.

"We'll try. I'll talk to them.." Mom said so I winked at her but she just rolled her eyes at me.

Noong dumating ang hapon ay umuwi na ako sa bahay ko dahil doon matutulog sila Sandara at Shan.

Wala kaming ibang ginawa kundi manood ng movies at kumain ng kung ano ano.

Kinabukasan naman ay maaga akong nagpunta sa restaurant at nang dumating ang tanghalian ay namataan ko si Ricci kasama si Grace sa entrance, nagtatawanan.

Sarkastiko akong natawa saka sila pinanood na maupo, hindi kalayuan sa pwesto ko.

"Maghihiwalay din kayo.." bulong ko sa sarili ko saka muling natawa.

"What's funny?"

Umirap ako nang makita si Luke na nakatayo sa tabi ko.

"Wala kang pake! Bakit ba nandito ka na naman? Wala ka bang trabaho?" masungit na sabi ko.

"What do you think?" he asked, smirking.

"What do you think your face! Tabi!" sabi ko saka malakas siyang hinampas sa balikat.

"Excuse me?"

Nahinto ako sa paglakad nang lumapit samin si Grace.

"Yes?" tanong ko saka plastik na ngumiti sakaniya.

"Ricci and I want some—"

"Excuse me. But this is restaurant and not Jollibee or Mcdo na pipila ka for the menu. Our waiters will give you the menu so you can choose what foods you want to order." sabi ko saka ngumiti ulit ng plastik sakaniya.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now