Chapter 14

1.3K 40 23
                                    

Bar.

Ito agad ang una kong pinuntahan matapos kong ipasara ng maaga ang restaurant.

Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang mga sinabi niya. Plain sex. Wala lang 'yon sakaniya. Making love with Grace is different from fucking me. Masakit. Kaya alak ang naging takbuhan at karamay ko ngayon.

"Hard drinks." sabi ko nang may mapadaan na waiter dito sa may table ko.

Ilang minuto bago siya bumalik at binigay ang hinihingi ko.

Pigil na pigil ang luha na tumungga ako sa mismong bote. To be honest, gustong gusto kong umiyak ngayon pero pinipigilan ko dahil ayokong maagaw ko ang atensyon ng ibang tao dito at baka may makakilala sakin. Athlete, crying while drinking hard drinks.. Napangisi ako.

Around 12 midnight ko naisipang lumabas ng bar.

Tahimik akong naglakad sa parking papunta sa kotse ko. Naipikit ko ang mga mata ko nang bigla akong masilaw sa ilaw ng sasakyan and the next thing I knew, tumilampon ako at tumama sa isang kotse na nakaparada dito sa parking.

Hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa pamamanhid. Basta huli kong narinig bago nawalan ng malay ay ang sigawan ng mga tao.

-

Ricci's

I was drinking alone here at my condo while still thinking about what happened between me and Zoey.

I admit, nasaktan ang ego ko nang makita ko siyang may kasamang ibang lalaki. Pagkatapos ng nangyari samin, makikita ko siyang kasama na ang iba?

I lied earlier when I told her that making love with Grace was much more better than fucking her. I fucking lied because she was my first.

I was scared to hear from her na wala lang sakaniya yung nangyari samin kaya inunahan ko na siya. I wasn't ready to get hurt kapag sinabi na niya na wala lang sakaniya 'yon kaya nasabi ko agad 'yon at alam kong nasaktan ko siya.

I was about to leave my room when my phone rang. It's my brother. Rasheed.

"What?"

Pumikit-pikit ako at hinilot ang sentido nang makaramdam ng hilo.

["St. Lukes. Now!"] mabilis na sabi niya pero narinig ko pa rin. Yung boses niya parang takot na hindi ko maintindihan.

"What? Bakit? What happened to you?"

["It's about Zoey."]

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at pakiramdam ko ay nawala ang tama ng alak sakin. Unti-unti ring nabuhay ang kaba sa dibdib ko.

Hindi ko na sinagot pa ang sinabi niya. Patakbo akong lumabas ng condo deretso sa parking lot saka ako mabilis na umalis.

Pagkarating ko sa ospital ay si Rasheed agad ang sumalubong sakin. Nagpunta kami sa may operating room at nakita ko sila Mom pati ang friends ni Zoey kasama yung lalaki na nakita kong kasama rin ni Zoey sa restaurant kanina.

"What happened to her?" tanong ko agad.

"Hit and run. I-I saw it.." tulalang sagot nung lalaki na sa hula ko ay siya si Luke.

"You saw what?"

"I was there at the bar. Nakita ko siyang umiinom mag-isa at lumabas siya ng bar kaya sinundan ko pero huli na. Nabangga siya ng isang kotse at tinakbuhan."

Agad kaming nagkatinginan ni Rasheed nang marinig 'yon.

I suddenly remember the night na muntik na rin siyang masagasaan and we both know na hindi 'yon aksidente dahil sinundan pa siya pauwi.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now