Chapter 36

1.4K 32 7
                                    

Malungkot siyang ngumiti at pumasok saka isinarado ang pinto.

"I thought... nabasa mo," mahinang sabi niya. "Kaya no'ng sinabi mong maghiwalay nalang tayo, hinayaan kita. Naisip ko rin kasi na, oo nga, oras na rin para maging happy ka na, para piliin mo na ang sarili mo.."

Halos manlambot ang mga tuhod ko habang pinakikinggan ko siya, bagay na hindi ko nagawa no'ng kami pa.

"Gusto kong ipaglaban ka, kung anong meron tayo and that time, gusto kong magmaka-awa sayo na huwag kang umalis, na huwag mo akong iwan. Pero naisip kong tama ka, nauubos ka na. Nakakalimutan mo na ang sarili mo dahil mas iniisip mo ko. Mas inuuna mo ko, so I needed to let you go. Hinayaan kitang piliin ang sarili mo because I wanted you to be happy at naisip kong magiging masaya ka lang kung maghihiwalay tayo." dagdag niya.

Tuloy lang sa pagpatak ang luha ko habang hindi inaalis ang paningin sakaniya.

Marahang siyang pumikit at mahinang natawa.

"Hindi ko alam kung bakit ko 'to sinasabi sayo.. dapat ay hindi na kasi tapos na 'to. Tapos na tayo."

Suminghot ako at humugot ng malalim na hininga bago siya nilapitan.

Hinawakan ko ang pisngi niya.

I kissed his forehead. "You may not have found a reason to make me stay," I kissed his nose,  "but I found a reason to comeback." I sweetly whispered. Pinagdikit ko ang noo naming dalawa at marahang ipinikit ang mga mata ko. 

Bahagya siyang humiwalay sakin at hinaplos ang parehong pisngi ko. 

"What.." 

I looked directly at his eyes.

"I still love you.." 

Matagal siyang tumitig sakin bago tipid na ngumiti at hinalikan ang noo ko. 

Magsasalita sana siya nang pumasok sa kwarto si Sophia at nagkukusot ng mga matang tinawawag kaming dalawa ng Daddy niya. Isa siya sa mga dahilan kung bakit ako bumalik dito at kung bakit ko walang pag-aalinlangan na binalikan si Ricci. 

Bumitaw sakin si Ricci at binuhat si Sophia saka lumabas ng kwarto. Sinundan ko naman sila ng tingin, nagtataka.

Hindi man nasabi sakin ni Ricci ang dapat na sasabihin niya sakin kanina ay alam kong may kinalaman 'yon sa sinabi kong mahal ko pa siya. Dahil nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya kanina. 

Wala sa sarili kong binasa ang sinabi niya sa letter, "I love you, I really do"

Totoo ba? Bakit may pag-aalinlangan ako? Bakit parang ayaw kong maniwala? Paano kung hindi naman pala totoo? Paano kung tama ang sinasabi ko noon na wala lang talaga sakaniya ang mga pinagsamahan naming dalawa?

Nandito lang kaming tatlo sa bahay pero madalang niya akong kibuin. Hindi niya talaga ako kinakausap at naglalaro lang sila ni Sophia.

Hindi ko alam kung anong problema..

Dumating ang hapon at nagpaalam siyang aalis siya at tumango lang ako. Ramdam ko pa ang titig niya sakin bago siya tuluyang lumabas.

Matunog akong nagbuntong hininga.

"Mimi, sleepy.." sabi ni Sophia at nahiga sa lap ko.

Sinuklay kong ang buhok niya, "Sleep then, baby.." I whispered..

Hinintay kong makatulog siya bago ko siya inilipat sa kwarto, saka ako bumalik sa ibaba para naman magluto dahil alas siete na rin naman at baka pauwi na rin si Ricci.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now