Chapter 24

1.3K 43 7
                                    

Kagat-labi akong naglakad palabas habang pangko ko pa rin si Sophia.

"Zoey! Princess!"

Lumingon ako at nakita ko si Kyle.

"Dada!" sigaw ng anak ko at in-extend agad ang mga braso niya para magpa-pangko kay Kyle.

"You miss Dada?" malambing na tanong ni Kyle.

Tumango-tango si Sophia at yumakap.

"Let's go?" tanong ko.

Humawak sa kamay ko si Kyle at saka kami naglakad papunta sa may elevator.

Kahit na ramdam kong nakatingin sakin si Ricci ay pinilit kong tumingin deretso sa harapan, hindi ako tumingin sakaniya.

Nang magkatapat kami ay naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko at pakiramdam ko ay nanghina ang mga tuhod ko.

Halos malampasan na namin siya ay hawak niya pa rin ang kamay ko at pinisil 'yon bago binitawan.

Pumasok kami sa elevator na napakabilis ng tibok ng puso ko. Sa sobrang tahimik ay kinabahan ako dahil baka marinig na 'yon ni Kyle.

Tahimik kaming lumabas ng elevator nang huminto 'yon sa floor niya.

"Dada! Ice cream!"

Agad kong nilingon si Sophia.

"Baby, no. Once lang pwede mag-ice cream, okay?"

Ngumuso siya at kinain ulit ang ice cream niya. Ang takaw talaga niya sa ice cream. Hindi niya pa nga nauubos magpapabili na naman. Tsk.

"Apo!"

Nagulat ako dahil nandito pala ang Lola ni Kyle. Ang akala ko ay nandoon sila sa bahay nila kaya pumayag ako sa gusto ni Sophia na makita si Kyle.

"Siya na ba si Sophia?" nakangiti niyang tanong.

"Yes, La. And Zoey, her Mom."

"Kay gandang babae." sabi niya habang nakatingin sakin.

"Thank you po." nahihiya kong sagot.

"Ligaw ka ba ng apo ko?"

"Lola!" saway ni Kyle.

Nahihiya man ay natawa ako sakanilang dalawa lalo na sa Lola niya.

"Baby, do you want to play with your Lola?" tanong ko kay Sophia.

"Yes! Lala!" masayang sagot niya.

Lala. Chocolate ba?

Binaba ni Kyle si Sophia at mabilis naman siyang tumakbo sa Lola ni Kyle at yumakap.

"So sweet.." komento ng Lola ni Kyle saka pinaghahalikan ang anak ko.

Nakangiti akong nag-iwas ng tingin sakanila at 'di sinasadyang mapatingin kay Kyle na nakatitig sakin.

Nagbuntong-hininga ako. I know he wants to talk to me.

Nagpunta kami sa balcony.

"You saw him again,"

Nagbuga ako ng hininga at tumango.

"I saw them earlier, talking. And he's trying to help his daughter para makita ako."

Kumunot ang noo niya.

"What do you mean?"

"Nagpabili si Sophia ng ice cream at pagtalikod ko ay wala na siya. Sinabi sakin ng receptionist na pumasok nga si Sophia at nakita ko sila ni Ricci na magkausap." naramdaman ko ang pagsakit ng lalamunan ko dahil siguro sa pagpipigil ng iyak. "Nakausap na niya ang totoong tatay niya pero hindi niya alam kasi bata pa siya. Nakausap na niya ang anak niya pero hindi niya alam kasi hiniwalayan niya ako." dagdag ko at sarkastikong natawa.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now