Chapter 29

1.4K 49 11
                                    

"You stopped saying your goodnights, and that's when I knew I've lost you."

-

Ala sais na ng umaga ay dilat pa rin ako at iniisip kung anong letter ang sinasabi ni Ricci kagabi.

Naupo ako sa kama at tumingin sakaniya na natutulog pa. Nandito lang din siya sa kwarto ko at katabi ni Sophia na ngayon ay natutulog pa rin.

Anong letter ba kasi 'yon? Ang sakit mo sa ulo talaga, Ricci.

Nag-iwas ako ng tingin nang gumalaw siya. Hindi ko lang sigurado kung gising na ba siya.

Tumitig ako sa nakapatay na tv at muling nag-isip kung kailan niya sinulat ang letter na sinasabi niya.

"Zoey?"

Tumingin ako sakaniya at kita kong naguguluhan siya dahil nandito siya.

"Tito Pao called me last night para ipasundo ka sa bar." pabuntong hiningang sabi ko.

Hindi siya sumagot.

Tumagilid siya ng higa at pinatong ang ulo niya sa kamay niya saka niya tinitigan si Sophia.

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ng anak niya at maya maya ay napangiti.

"Ang aga mo namang nagising." sabi niya, nakatitig pa rin sa anak niya.

Matunog akong ngumisi kaya tumingin siya sakin.

Itinuro ko ang mukha ko, "Mukha ba akong natulog?" I sarcastically asked.

Kumunot ang noo niya.

"Hindi ka pa natutulog?" gulat niyang tanong.

Imbes na sumagot ay tumayo nalang ako at lumabas ng kwarto saka dumeretso sa kitchen para magluto.

Gusto ko siyang tanungin kung anong letter ang sinabi niya kagabi pero ayaw lumabas sa bibig ko. Hindi ko matanong.

"Problem?"

Umiling lang ako at kumuha ng hotdog, bacon at itlog sa fridge.

Sumandal siya sa may lababo at tumitig sakin. Pilit ko namang tinuon ang atensyon sa pag-aayos ng lulutuin.

"Zoey.." malambing na pagtawag niya.

Hindi ako kumibo at nagsimula nalang magprito habang nagluluto din ng fried rice.

Nagbuntong hininga siya at siya na ang nagpatuloy sa pinipirito kong ulam at matapos non ay nilagay na namin sa dining table ang pagkain.

"Gisingin ko lang si Sophia." sabi ko at 'di na hinintay pang sumagot siya. Tumalikod agad ako.

Pagpasok ko ng kwarto ay mahina akong natawa dahil nakita kong gising na si Sophia at nakatitig lang sa kisame. Hindi ko alam kung bakit ganito siya tuwing umaga.

Lumapit ako sakaniya.

"Mimi."

Ngumiti ako.

"Let's eat breakfast na, baby." aya ko.

Tinaas naman niya ang parehong kamay niya, nagpapakarga. Nakangiti ko siyang pinangko at niyakap saka ako lumabas ng kwarto.

"Daddy!" sigaw niya agad nang makita si Ricci.

Binaba ko siya at mabilis naman siyang tumakbo papunta kay Ricci at pilit na umaakyat sa lap niya pero 'di maabot ni Sophia. Tumatawa siyang pinangko ni Ricci at iniupo sa lap niya.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now