Chapter 3

1.3K 39 12
                                    

Natatawa pa rin ako kapag naaalala ko yung nangyari noong nakaraang linggo. Yung pinuntahan ako ni Grace sa canteen at tinanong ng kung ano ano. Isipin mo, isang beses lang kaming nakitang magkasama at magkausap ni Ricci, napakarami na naming supporters. Maraming kumakalat na pictures, tweets at fan page. Natutuwa ako, kasi dahil doon ay asar na asar na sakin si Grace. Si Ricci naman ayon, wapakels.

"Why are you laughing?" kunot ang noo na tanong sakin ni Shantelle.

"You don't care." pairap kong sagot.

Ngumuso siya. "So sungit." sabay irap. Natawa nalang ako. Parang bata talaga 'to. Sa aming tatlo nila Sandara, siya ang bunso.

"Bakit ka nga ba tumatawa, Zoey?" Sandara asked.

Naaalala ko na naman. I softly chuckled. "Nothing."

Maraming nagtitinginan samin, mga nakangiti, yung iba naman parang mga kinikilig, samantalang yung iba kinukuhanan pa kami ng picture. Kami nga ba? O ako?

Sa nagdaang ilang araw matapos kaming makitang magkasama ni Ricci, bigla bigla nalang may magpapapicture sakin, o di kaya naman ay pipicture-an ako kapag nakikita nila. Imbes na mainis ay natatawa nalang ako. Dahil ganoon nila kami ka-gusto ni Ricci para sa isa't isa. Batid kong mas nagpapadagdag 'yon sa galit na nararamdaman ni Grace sakin.

"Tumatawa ka na naman diyan." sabi ni Sandara na inirapan ko lang habang tumatawa.

"Miss Zoey! Miss Zoey! Pwede po ba kaming magpapicture sayo?" nakangiting tanong ng isang estudyante na may kasamang dalawang babae. Mga nakangiti.

I smiled, "Yeah, sure.." I said.

Lumapit sila sakin at kinuhanan naman kami ng picture ni Sandara.

"Thank you, Miss Zoey! You're so ganda talaga!" sabi ng isa.

I looked at Shantelle and laughed, "Parehas kayo magsalita, bee." She rolled her eyes at me.

"Bagay talaga kayo ni Kuya Ricci, ate Zoey." sabi nung babae na kulot ang buhok.

"It's true la la la," sabi ng isa pa. "Dapat magbreak na 'yon at si Grace eh. Hmp!" nakasimangot na aniya. Nginitian ko lang sila.

As much as possible, I avoid saying bad things about them in front of others. Bilang respeto na rin sa kanila. Hindi kasi dapat tularan ng mga estudyante ang ganoong ugali ng isang atleta—ako.

"Well, well, well, the flirt is already here.."

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Grace kasama ang mga kaibigan niya. Himala yata at hindi sila magkasama ni Ricci.

I smirked, "Yes, standing in front of me." I said, smiling. Nakatingin ang ibang estudyante sa amin pero alam kong hindi nila kami naririnig.

Sumama ang tingin niya sakin at umirap pa, pagkatapos ay ngumisi. "You're waiting for my boyfriend?" nang-aasar na tanong niya.

I crossed my arms in front of my chest, "Do I look like...I'm waiting for your soon-to-be ex boyfriend?" mas nakakaasar kong tanong.

"Oh my gosh!" bulong nila Sandara at tumawa pa.

Sumama ang mukha ni Grace at lumapit sakin, "Hindi kami maghihiwalay. Tandaan mo 'yan." galit na sabi niya.

I shrugged, "Who knows?" I said, smirking.

Tinalikuran ko na siya at narinig ko pa ang pagpapadyak ng kaniyang mga paa, tanda ng inis niya.

"Gaga ka talaga, Zoey." tumatawang sabi ni Sandara, may kasama pang hampas sa balikat.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now