Chapter 26

1.5K 38 9
                                    

I decided to introduce my daughter to him. I was ready...but not anymore.

She's pregnant and that's enough reason for me to change my mind. Mukhang hindi na niya kailangan pang makilala ang anak niya sakin. Mapapalitan na ng saya ang lungkot na naramdaman niya no'ng nalaman niya ang result ng DNA Test.

"Sure ka na ba talaga?"

Napabuntong hininga ako sa tanong ni Rasheed kasi pangatlong tanong na niya 'yon.

"She's pregnant, Sheedy.."

Tumango siya, "Nagtataka ako kung bakit siya nabuntis kahit iniiwasan ni Ricci na mangyari 'yon."

Kunot noo ko siyang nilingon, "Iniiwasan? What do you mean?"

Kasal na sila, kaya bakit niya iniiwasang mabuntis ang asawa niya? Ako nga binuntis niya agad kahit ilang weeks palang kaming kasal, sila pa na years na?

Tipid lang na ngumiti si Rasheed at umiling.

Hindi ko nalang siya pinilit kahit nacu-curious ako.

"Pwede ba muna tayong magpunta sa parents mo? Magpapaalam lang kami ni Sophia." tanong ko.

"Sure. Sure." agad niyang sagot kaya nginitian ko siya.

Nagbaba ako ng tingin kay Sophia at marahang pinisil ang matabang pisngi niya.

"Punta tayo kila Lola bago tayo umuwi kay Dada, okay?"

She smiled, "Okay, Mimi!"

Pinagbuksan kami ni Rasheed ng pinto ng sasakyan saka kami mabilis na umalis.

Ilang minuto lang nakarating na din kami sa bahay nila Tita Abi.

"Zoey! Sophia!" gulat niyang sabi saka kami sinalubong ni Sophia.

Niyakap niya ako at si Sophia.

"Lola." bati ng anak ko at humalik sa pisngi ni Tita.

Hinawakan ni Tita ang kamay ko at hinila papasok sa loob habang pangko naman ni Rasheed si Sophia.

"Kailan pa kayo umuwi?" tanong niya.

Kumandong si Sophia sa lap ni Tita at nilaro laro yung buhok ng Lola niya.

"Ilang days na rin po. Dumaan lang din po kami dito para magpaalam kasi babalik na rin po kami ng Singapore ngayon."

Lumungkot ang mukha ni Tita at nagbaba ng tingin sa anak ko.

"Lola will miss you, baby girl.."

Sophia smiled and kissed her Lola's cheek. She's really the sweetest..

Tumayo na ako at inalok ang kamay ko kay Sophia na agad niya namang tinanggap.

"Una na po kami, Tita. Baka mahuli po kami sa flight." paalam ko at humalik sa pisngi niya.

"Kapag may time kami ni Tito Pao mo, pupuntahan namin kayo don."

Ngumiti ako at tumango sakaniya.

Inaya ko na si Rasheed at sabay sabay kaming naglakad palapit ng pinto at bago pa mabuksan ni Rasheed 'yon, bumukas na 'yon at pumasok si Ricci kasama si Grace.

Muli kong naramdaman ang kirot sa dibdib ko na naramdaman ko na rin noon at kahapon.

Wala sa sarili akong napatingin sa tiyan ni Grace. She's pregnant..

"Tito Pogi!" sigaw ni Sophia at mabilis na tumakbo kay Ricci at yumakap. Si Ricci naman ay ngumiti at pinangko si Sophia. He kissed her cheeks and forehead. I can say that he's happy to see his baby.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now