Chapter 22

1.4K 51 17
                                    

"If he doesn't chase you when you walk away, keep walking.."

"Hindi pa rin po umuuwi eh." sagot ko kay Mommy, ni Ricci..

Nandito kasi sila ni Daddy Pao para itanong kung umuwi na ba si Ricci at kung kumusta ba kami.

Oo. Mula nang araw na magkasakit siya, kinabukasan non nagising ako na wala siya sa tabi ko.

Naghintay ako ng ilang araw hanggang sa naging linggo, hindi siya umuwi. Hindi siya nagpakita sakin. Hindi rin siya nagparamdam kahit text o tawag, wala.

"I'm sorry," malungkot na sabi ni Mommy Abi.

Ngumiti ako ng tipid at bahagyang umiling, "It's okay po. Baka kailangan din talaga siya ni Grace ngayon kasi she tried to kill herself nga po no'ng nakaraan." labag sa loob na sabi ko.

'It's okay' that was the biggest lie ever. Hinding-hindi 'yon magiging okay para sakin. He is fucking married to me but still, he chose to be with Grace.

Umalis din agad sila Mom. Ang dahilan nila ay may pupuntahan pa sila pero nakikita ko sa mga mata nila na nahihiya sila sakin. Hindi nalang din ako kumibo. Hindi naman kasi ako galit sakanila dahil sa ginagawa ni Ricci. Kay Ricci lang talaga ako nanggigigil.

Imbes na mag-isip ng kung ano-ano ay pumasok nalang ako sa kitchen at kumain ulit.

"Alam mo pa pala kung saan ang unit mo? Akala ko hindi na." sabi ko.

Nasa likod ko si Ricci dahil naramdaman ko ang presensya niya.

Rinig ko ang matunog niyang buntong hininga.

"I'm sorry."

Sarkastiko akong natawa saka mataray na inikot ang upuan ko paharap sakaniya.

Bakas ang pagod sa mukha niya at nangingitim din ang ilalim ng mga mata niya.

"Mukhang napagod ka yata sa pag-aalaga kay Grace, ah?" sarkastikong tanong ko.

Mariin siyang pumikit at saka tumingin ulit sakin.

"Please, I'm tired—"

"And so am I." mahinang sabi ko. "I am so tired of fighting.. for you, for this relationship. I am so tired of chasing you. I am so tired waiting for you. I am so, so tired forcing you to choose me. I am tired, too.." dagdag ko.

Natigilan siya sa sinabi ko.

"You're tired taking care of her and I am tired loving you.." halos pabulong kong nasabi yung huli. "I'm tired of hoping. Napapagod na akong umasa na isang araw magigising nalang ako na ako na yung pinili mo, na ako yung mahal mo. Mahal kita. Pero nakakapagod na."

Nag-iwas siya ng tingin sakin.

"Maybe it's time to choose myself? Maybe it's time for me to be happy? Hindi na kita pipilitin. Hindi na kita ikukulong sa pagmamahal na hindi mo naman kailangan."

Nag-iwas ako ng tingin nang makita ang pamumuo ng mga luha niya. "Zoey.."

Ngumiti ako ng malungkot sakaniya, "I'm letting you go now.. Pinapalaya ko na rin ang sarili ko sa relasyon na 'to." sabi ko at pumiyok pa ako dahil naiiyak ako.

Tumayo ako at tinalikuran siya saka pumasok sa kwarto ko.

Umiiyak kong inayos ang mga gamit ko at matapos non ay lumabas ako ng kwarto.

Huminto ako sa may pinto at sinilip siya sa kitchen. Nakatayo lang siya at nakatalikod sakin.

Ang tanga tanga ko dahil iniisip ko pa rin na pipigilan niya ako but I was wrong. Hindi niya ako sinundan kahit nakalabas na ako ng unit niya.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now