Chapter 31

1.4K 43 20
                                    

Taas-noo akong naglakad nang makarating ako sa condo nila Ricci.

Ngayon ko agad gustong puntahan si Grace matapos kong malaman ang mga ginawa niya sakin at kay Rasheed. Hindi dapat ako nagsasayang ng panahon. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya.

"Good morning, Miss Zoey.." bati sakin ng receptionist at tipid ko lang siyang nginitian saka muling tumingin ng deretso sa nilalakaran ko.

Habang laman ng elevator ay hindi ako mapakali dahil kating-kati na akong makita siya. Kating-kati na akong sabihin sakaniya na alam ko na lahat ng ginawa niya.

Nagpakawala ako ng hininga nang tuluyan akong makarating sa floor nila saka taas-noo ulit na naglakad hanggang sa makarating ako sa room nila.

Sinubukan kong ilagay ang passcode ni Ricci noon at natuwa ako dahil 'yon pa rin ang code niya.

Marahas kong binuksan ang pintuan at nagulat si Grace nang makita ako.

Napangisi naman ako. Akalain mo nga naman. Pagkabukas ko palang ng pintuan ay nakita ko na siya agad.

Prenteng nakaupo sa couch, kumakain at nanonood ng tv.

"What are you doing here?" mataray na tanong niya matapos makabawi sa gulat.

Ngumisi ako at naglakad palapit sakaniya.

"Well, I just came here to tell you that I am.. still alive."

Tumayo siya sarkastikong ngumisi.

"Paano namang hindi ko malalaman, eh ikaw nga ang pinupuntahan ng asawa ko." mabagal niyang sabi.

Pinagkrus ko ang mga braso ko sa may dibdib ko at pinasadahan ng tingin ang buong kwarto.

"Ang ganda pa rin nito 'no? Kaso ang dumi na. Hindi na siya kasing-linis kagaya nang dati, no'ng ako pa ang nakatira." sabi ko habang naglalakad at siya ay nakatayo lang at nakatalikod sakin.

"Oh, that? Yes, hindi siya malinis, because we're always busy pleasuring each other kaya wala na kaming time para mag-linis pa."

Natigilan ako sa sinabi niya. Pleasuring each other...

Hindi ko pinansin ang kirot sa dibdib ko. Pilit kong isiniksik sa isip ko na hindi ako nandito para sa bagay na 'yon, para sa mga ginawa nila, kundi dahil sa mga kasalanan niya.

"You were also busy lying.." i said. "And pretending.. like an innocent baby, diba?" dagdag ko saka tumayo sa likuran niya.

Natitigilan siyang lumingon sakin at bakas sa mukha niya na nalilito siya, seryosong mukha naman ang ipinakita ko sakaniya.

"I know everything now, Grace. I know that it was you who tried to kill me four years ago." sabi ko dahilan para matigilan siya. "At ikaw rin ang dahilan kung bakit naaksidente si Rasheed."

Kitang-kita sa mukha niya ang gulat dahil sa mga sinabi ko.

"Hindi totoo 'yan!"

Natawa ako sa sinabi niya.

"Sige lang, itanggi mo. Malalaman din ni Ricci ang mga ginawa mo."

"You bitch!" sigaw niya at hahablutin sana ang buhok ko pero mabilis akong nakaatras at nakalayo sakaniya at umikot ako sa may lamesa.

"Hinding-hindi mo na ulit ako mahahawakan, Grace. Hinding-hindi mo na ulit ako masasaktan."

"Nagawa na nga kitang saktan noon. Sa tingin mo ba hindi na 'yon mangyayari ulit ngayon?" nakangisi niyang tanong.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now