Chapter 23

1.4K 43 19
                                    

Three years later..

"Dada!" rinig kong sigaw ni Sophia. Dumating na siguro si Kyle.

Lumabas ako ng kitchen at naabutan ko si Kyle na kinikiliti ang anak ko.

Si Sophia Anastasia ay anak namin ni Ricci. She used to call Kyle 'dada' maybe beacuse mula nang ipanganak ko siya ay si Kyle na ang naging kasama niya. Si Kyle din ang unang nagturo sakaniya ng mga bagay na dapat niyang matutunan at hindi ko alam kung saan nakuha ni Sophia ang word na dada. Siguro dahil bulol pa siya.

"Hi.." bati ko at humalik sa pisngi niya.

He smiled and kissed my head.

"I'm tired.."

Naupo si Sophia sa lap niya saka siya hinalikan sa pisngi.

"Dada tired?"

Napangiti ako sa malambing na boses ng anak ko. Sobrang sweet niyang bata. Kapag ngumiti siya mahahawa ka at ang sarap niya panoorin kapag tumatawa siya. Her laugh was like a music to my ears.

"Yes, Princess. Dada's tired and Dada wants kisses from you." sagot niya saka ngumuso.

Pinaghahalikan naman nga si ni Sophia sa buong mukha niya.

"Dada's not tired na?"

Nakangiting umiling si Kyle at niyakap si Sophia.

Laking pasasalamat ko dahil mula noong lumaki ang tiyan ko hanggang sa makapanganak ako, kasama ko si Kyle. Nagkaroon ako ng karamay lalo na noong muntik nang may mangyaring masama samin ni Sophia no'ng kabuwanan ko.

Hindi naging madali para sakin ang manganak lalo na't wala si Ricci para samahan ako sa loob kaya ang inisip ko lang non ay mailabas ko ng ligtas ang baby ko.

Bumalik ako sa kitchen para tapusin ang meryenda na ginagawa ko.

Haharap na sana ako nang may biglang yumakap sakin mula sa likod.

Hinawakan ko ang kamay niya na nasa tiyan ko at bahagya siyang nilingon.

"Why?" tanong ko.

Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko at mabilis na dinampian ng halik ang mga labi ko.

"I need to go to the Philippines for my Lola." nakapikit na sabi niya.

Humiwalay ako sakaniya at sumandal sa may sink, yumakap naman ulit siya sakin.

"Kailan ka uuwi?"

He sighed, "The day after tomorrow." sagot niya. "And she wants to see you and Sophia."

Mabilis akong napahiwalay sakaniya dahil sa sinabi niya.

"What?"

"I know you don't want to go back there but she wants to meet you and Princess." pabuntong hininga niyang sabi.

"But—"

"Maybe it is the right time for Princess to meet her real father."

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now