Chapter 20

1.6K 46 6
                                    

"I fell in love with you. I don't know how, I don't know why. I just did."

"Ready na ba things mo?" tanong sakin ni Ricci.

Ngayon na kasi ang alis namin papuntang France para sa honeymoon daw namin.

"Yes po, ready na po ang things ko.." maarteng sagot ko, ginagaya ang maarte niya ring pagsasalita.

He rolled his eyes and smirked.

"Ready yourself, too.." nakangising sabi niya.

Pinagkunutan ko siya ng noo. "Ready saan?"

He shrugged, "Malay mo."

I looked at him, confused. "What malay?"

"Tsk. Nevermind." naiirita niyang sabi.

Kasi naman. Ayaw pa sabihin kung ano talaga gusto niyang iparating. -_-

Hinatid kami nila Mommy sa airport at ilang minuto lang ang hinintay namin bago tinawag ang flight namin.

Hawak ko sa kanang kamay ko ang maleta ko at sukbit ko ang shoulder bag ko. Ang kaliwang kamay ko naman ay hawak niya at ang kaliwa niya ay hawak ang maleta niya.

Napansin ko na mula nang magkabati kami ay naging mas madikit siya sakin. Na parang ayaw niyang humiwalay sakin.

I appreciate what he did para magkaayos kami. I really do. Ang kaisipan na nagpunta siya sa condo ni Grace hindi para kay Grace kundi para kuhanin yung video, makes my heart melt. Kaya nang mapanood ko 'yon ay hindi ko napigilang paghahalikan siya sa buong mukha niya habang natutulog siya.

Dumapa pa ako non sa ibabaw niya para titigan ang gwapo niyang mukha hanggang sa makatulog nga ako sa ibabaw niya.

"Lalim ng iniisip mo, ah.." rinig kong sabi niya pagkaupo namin. Nakasakay na kami ng eroplano.

"Gaano kalalim?" pamimilosopo ko.

Bumitaw siya sakin saka umirap.

"Don't talk to me." masungit niyang sabi.

"Attitude ka, Cci?"

Alam kong maiinis siya.

"Don't call me Cci!" irita niyang sabi.

Tumawa ako saka iniyakap ang braso ko sa braso niya. "Sorry na, love." malambing na sabi ko.

He immediately smiled because of what I said. He kissed my forehead, and I automatically closed my eyes while smiling. Sweetest.

Nag-angat ako ng tingin sakaniya at dinampian ng halik ang mga labi niya habang nakatapat samin ang camera ng phone ko. Perfect!

I held his face saka ko 'yon idinikit sa mukha ko at sabay kaming ngumiti sa camera. I also took a picture of our passport. Memories.

Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa nakikita ko sa ibaba. Gabi kasi ang flight namin kaya nagliliwanag sa ibaba.

Ito ang pinakagusto kong flight, gabi. Kitang kita ang ganda mula dito sa itaas. Idagdag pa ang ilaw ng eroplano. I don't know why but I just love airplanes so much.

Lumingon ako kay Ricci at nagulat ako dahil kinukuhanan niya pala ako ng video. Nakangiti akong kumaway at tumawa.

"The prettiest.." he said.

Sandali akong natulala sa sinabi niya saka matamis na ngumiti sakaniya.

"I love you.." sabi ko sa harapan ng camera.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now