Chapter 38

1.4K 34 7
                                    

Nagbuntong hininga ako nang maisip ulit na mukhang hindi kami magiging isang masayang pamilya hangga't may Grace sa eksena at binabantayan kami.

Sa totoo lang ay natatakot ako hindi para sa sarili, kundi para sa mag-ama ko. There are so many what if's na patuloy na gumugulo sa isip ko mula pa no'ng nakaraang nag-message siya sakin.

Isa na doon ay, paano kung kuhanin niya sakin ang anak ko.. o si Ricci? Nasisigurado kong mababaliw ako kapag nangyari ang bagay na 'yon. Hindi ko kakayanin kung isa man sakanila ang kukuhanin niya sakin. Pero hindi pa siya akin. Ama lang siya ng anak ko at hindi na niya ako mahal.

My eyes widened when a strong set of arms wrapped around my waist.

"Are you still thinking about it?"

Bahagya akong napalingon sakaniya pero labi niya ang sumalubong sa mga labi ko kaya nagugulat akong tumingin sa mga mata.

Pinilit kong kumalma at muling tumingin sa dagat.

"N-No.." pag-tanggi ko.

Rinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"You're not good at lying, Zoey.."

Nag-buntong hininga ako at hinawakan ang kamay saka sumandal sa dibdib niya.

Paano naman kasing hindi ko iisipin eh tama naman si Grace. Sakaniya si Ricci. Bukod pa don ay alam kong may pina-plano siya laban saming tatlo at kaya din ako natatakot ay baka saktan niya pati si Ricci o ang anak namin dahil nagawa niya nga akong saktan noon, kaming dalawa ni Rasheed kaya alam kong hindi siya magdadalawang-isip na saktan ulit kami ngayon.

"Don't think about what she said on the last part of her message, please.." malambing na sabi niya na ikinatigil ko. Grace said that he's hers, at huwag ko daw isipin 'yon? Bakit hindi eh totoo naman ang sinabi niya lalo na at kasal pa rin naman sila.

"I can't-" he gently squeezed my waist, dahilan para matigil ako sa pag-sasalita.

"Ikaw ang kasama ko, hindi siya."

Ako lang ang kasama mo, pero hindi ako ang mahal mo.

Nag-baba ako ng tingin sa kamay naming magkasalikop na nasa may tiyan ko saka mapait na ngumiti. Muli akong nag-buntong hininga at umikot paharap sakaniya saka ako tumingin sa mga mata niya.

"Okay.." I answered and kissed the tip of his nose. Mahigpit niya akong niyakap pagkatapos.

"Mimi.. Daddy.."

Bumitaw ako kay Ricci nang marinig ko si Sophia. Nakita ko siyang naglalakad palapit samin kusot ang isa niyang mata. I smiled sweetly. What a good morning..

Binuhat ko siya at hinalikan sa pisngi. "You hungry?"

Nakanguso siyang tumango na ikinatawa ko. Bumalik ako sa loob buhat siya at binalik ko muna siya sa kama para makapagluto na ako ng breakfast.

-

Pansin ko ang pagtahimik ni Zoey kanina pa at hindi ko alam kung bakit.

Dinala ko sila ni Sophia dito sa Calatagan, Batangas para naman kahit papaano ay kumalma ang isip niya pero alam kong iniisip niya pa rin ang natanggap niyang message galing kay Grace. Actually hindi niya naman sinabi sakin na nag-text sakaniya si Grace, pinakialaman ko lang talaga ang phone niya kaya kinabukasan non ay nagpunta na kami dito.

Nakita ko silang naglalaro ni Sophia sa dagat. Kita ko dito ang ngiti at pagtawa niya pero hindi naman siya masaya.

I remember the day na she told me she was there at the bar that night at narinig niya ang sinabi ko kay Keith. I wanted to tell her that it was Grace I'm talking about. I loved her before but.. what she did to my brother and to Zoey is.. I can't explain but one thing is for sure, unti-unti nang nawawala yung love na dati kong naramdaman at binigay sakaniya. I trusted her. I loved her. Pero ngayon, hindi na talaga ako sigurado. Ang dami niyang ginawa na sobrang nakasakit sa mga tao sa paligid ko at dahil din sakaniya ay matagal na nahiwalay sakin ang anak ko.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now