Chapter 30

1.4K 42 11
                                    

When I came home with my daughter, my eyes widened when I saw Ricci sitting in front of our house.

Nakayuko siya sa mga tuhod niya.

"Daddy?" Sophia.

Nag-angat ng tingin si Ricci at muli akong nagulat dahil pulang-pula ang mga mata niya.

Bumitaw sakin si Sophia at nilapitan si Ricci at niyakap.

Isa sa mga bagay na gusto ko at mahal ko sa anak namin ay ang pagiging malambing niya. She used to hug me and Kyle kapag nakikita niya na malungkot kami lalo na ako kapag umiiyak ako.

Yumakap din si Ricci sa anak niya at maya maya ay napansin ko na ang pagtaas-baba ng balikat niya. He's crying..

Pabuntong hininga akong lumapit sakanila at tumayo sa harapan niya, tumingin naman siya sakin.

I smiled a little then offered my hand. He accepted it.

Tumayo siya sa tulong ng katawan ko saka tumitig sa mga mata ko.

"Why are you crying?" tanong ko sa mahina at malambing na paraan.

He shook his head. Marahan akong tumango bilang sagot saka sila inaya ni Sophia sa loob ng bahay.

Naupo sila ni Sophia sa couch habang ako ay pumasok muna sa kwarto ko para magpalit ng damit. Matapos non ay dumeretso naman ako sa kitchen para magluto ng dinner.

Maghapon kasi kaming wala ni Sophia dito sa bahay at iba na rin ang lock ng bahay kaya hindi nakapasok si Ricci. Dahil wala nga kami dito, hindi ko alam kung kanina pa ba si Ricci sa labas. Pero bakit kaya siya ganon? Bakit siya umiiyak?

Matapos kong magluto ng dinner ay lumabas ako ng kitchen at pinuntahan sila sa living room.

Umawang ang bibig ko nang makita silang natutulog. Nakadapa si Sophia sa ibabaw ni Ricci at tulog na tulog silang dalawa.

Tinapik-tapik ko sa pisngi si Ricci para gisingin. Hindi magigising si Sophia kaya kahit medyo nakakailang ay kami lang dalawa ni Ricci ang kakain.

"Ricci.." bulong ko saka muling tinapik ang pisngi niya. Nagmulat naman siya ng mata.

Pinulupot niya ang mga braso niya kay Sophia saka dahan-dahang bumangon at naupo. Pinangko niya naman si Sophia at pinasok sa kwarto.

Nauna na akong pumunta sa kitchen at nilagyan ko nalang ng pagkain ang pinggan naming dalawa.

Ilang minuto lang ay naramdaman ko na rin ang presensya niya sa likod ko kaya nilingon ko siya.

Malamlam ang mga mata siyang nakatingin sakin.

Nagbuga siya ng hininga saka naupo.

Nagkibit-balikat ako at naupo na rin saka nagsimulang kumain pero siya ay nilalaro lang ang pagkain niya.

"Anong problema ba?" tanong ko dahil hindi na ako makatiis na ganito siya.

"She lied. She's not pregnant." he answered, not looking at me.

Nanlaki ang mga mata ko nang mag-sink in sakin ang sinabi niya.

"Hindi siya buntis?!" pag-uulit ko, para lang makasigurado na tama ang narinig ko.

Tumango siya.

"Umalis siya kagabi at sinundan ko siya sa bahay ng best friend niya. And there, I heard that she's not really pregnant at ginawa niya 'yon para hindi ko siya iwan." Ricci said.

Kung nagawa niyang magsinungaling tungkol sa pagbubuntis niya, posible din ba na nagsisinungaling lang siya tungkol sa sakit niya?

Hindi ko alam kung bakit ko 'yan naisip. Bigla lang pumasok sa isip ko.

Forced Marriage - COMPLETEKde žijí příběhy. Začni objevovat