Chapter 2

1.5K 39 13
                                    

Nandito ako ngayon sa bittersweet cafe, malapit sa bahay ko. Balak ko muna bumili ng breakfast bago magpunta sa La Salle. Maaga pa naman kasi para sa first subject ko eh.

Pagkaorder ko, lumapit agad ako sa vacant table na nakita ko. Hinila ko yung chair pero nagulat ako nang may humila din sa chair na hinila ko.

"Humanap ka na-Oh my god!" literal akong napanganga nang makita ko si Ricci. Si Ricci yung humila ng chair ko!

Bumitaw agad ako at nagtingin-tingin kung may vacant table pa at kung sineswerte ka nga naman. Meron! Sa tabi lang ng table na 'to. Kung meron naman pala bakit nakipag-agawan pa siya? Hay, self. Huwag ka nang maarte. At least nasa iisang upuan lang ang kamay niyo 'no!

Bumitaw ako at pasimpleng huminga ng malalim, "Fine. Sayo na 'yan!" sabi ko at mabilis na lumipat sa kabilang table. Baka mamaya may mauna pa eh.

For the first time, nakita na niya ako! Kalma.. huwag kang magpahalata masiyado, Zoey.

I started eating while acting normal in front of him. Yes, nakaupo siya sa harap ko, pero sa kabilang table. Sana sa susunod isang table nalang babe. Huhu!

I watched him eat while he's using his laptop. This man in front of me, is so handsome. Pointed nose. Perfect lips. Masiyadong pinagpala ang lalaking 'to.

"Staring is rude." bigla ay sabi niya.

Napakurap ako at bigla ay natauhan. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Nakakahiya ka, Zoey!

Kinalma ko ang sarili ko at tumayo, handa nang takasan ang kahihiyan nang bigla siyang magsalita ulit.

"I remember you.." he said while still looking at his laptop.

"You what?" I asked.

"I remember you.." still looking at his laptop.

Ako? Naaalala niya?

"What?" mahinang tanong ko, hindi makapaniwala.

He finally looked at me, "I remem-"

I cut him off, "I am not deaf!" sabi ko sakaniya at umupo ulit.

"Eh, bakit what ka nang what?" masungit na tanong niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Excuse me?"

"Dadaan ka?" nakakalokong tanong niya.

What the!

Kahit love na love ko 'tong lalaki na 'to hindi ako magdadalawang isip na ihagis 'to. Ihagis papunta sa bahay ko. Ibabahay ko na 'to! Pigilan niyo 'ko!

Huminga ako nang malalim at magsasalita na sana ngunit naunahan ako nang pagtunog ng phone ko. Oh, shit! May klase nga pala ako! Bakit ba nakalimutan ko?!

"Bye!" paalam ko at kinuha ang bag ko saka nagmamadaling sumakay sa kotse ko papuntang La Salle.

"I.D, Miss Zoey?" sabi ni Manong Guard.

Hinalungkat ko ang bag ko at shoot! Wala ang I.D ko! Nasaan na! Shit! Shit!

"A-Ahm, Kuya, baka pwedeng lumusot muna? Ngayon lang, please?" paawa ko.

Ugh! Hindi ako pwedeng umabsent ngayon!

"Sorry Miss Zoey, pero hindi pwede eh." sabi ni Manong Guard.

Bagsak ang balikat na bumalik ako sa kotse ko at sumakay. Nasaan na kaya yung i.d ko. Biglang pumasok sa isip ko ang bittersweet cafe, maaaring nandon nga dahil sa pagkakatanda ko ay dala ko 'yon nung umalis ako sa bahay ko.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now