Chapter 7

1.2K 35 0
                                    

"Ready your things, guys!" sigaw ni Coach na nasa may pintuan ng bus. "Aalis na tayo."

Papunta kami ngayon sa airport dahil ang La Salle ay binigyan kaming mga atleta ng pahinga. Pupunta kami sa beach sa Cebu. Moalboal Cebu.

Noong sinabi samin ni Coach 'yon sobrang natuwa ako dahil isa talaga 'yon sa gusto kong puntahan, ang Cebu. Idagdag pa na sa Moalboal beach pa kami pupunta!

Dalawang bus ang sasakyan namin papunta sa airport. Bus namin at bus nila Ricci. Nasa Taft naman kami kaya ilang minuto lang ay nakarating na kaagad kami sa airport, hindi naman nagtagal ay sumakay na rin kami sa eroplano.

Lahat ng ka-team ko magkakatabi na, pati ang team ni Ricci. Si Ricci nalang ang walang katabi.

"Captain, maupo ka na sa tabi ni Slam Dunk King!" nang-aasar na sabi ni Andrei.

Nagwawala ang puso ko sa kaisipang siya ang makakatabi ko sa buong biyahe.

Lumapit ako sa pwesto niya at tumingin siya sakin. Nakaupo siya sa tabi ng bintana. Doon ko gusto! Nakasimangot akong naupo at pinag-krus ang braso ko sa may dibdib ko.

I heard him sigh, "Palit na tayo." he whispered.

Agad na nagkaroon ng ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi niya. Yes!

"Yay! Thank you!" masayang sabi ko at tumayo para makalipat siya.

Tinukso naman kami ng mga kasama namin. Ang ingay nila! Akala ata nila private plane ang sinasakyan namin.

Hinanap ko sa bag ko ang earphone ko nang sabihin na ng captain na magready na para sa take off.

"Shit! Bakit wala?" bulong ko sa sarili ko. Sanay na akong sumakay sa eroplano pero pampakalma ko pa rin ang earphone ko kapag nag take off na.

Nahigit ko ang hininga ko nang hawakan ni Ricci ang mukha ko gamit ang isang kamay niya at hinarap ako sakaniya.

"Here, use mine.." sabi niya at nilagay sa dalawang tenga ko ang earphones niya.

Agad naman kaming tinukso ng mga nakakita samin. Ramdam kong nag-init ang mukha ko dahil sobrang lapit niya sakin.

Umayos ako ng upo at pinanood ang pag-angat ng eroplano.

Naalala ko yung nangyari noong nakaraang linggo. Yung napag-usapan namin kung bakit nagawa ni Grace sakin 'yon.

Let's avoid each other..

Sa sobrang pagod ko non hindi ko na halos naunawaan pa yung mga nangyari. Hindi ko na rin natanggihan yung sinabi niya. Pero hinayaan ko nalang muna para humupa kung ano man yung issue.

'At ngayon gagawa ako ng bago.'

I chuckled. Ang landi ko talaga! Walang kasing-landi!

"Tumatawa ka na naman mag-isa.." sabi ng katabi ko. I looked at him and he's staring at me.

"Ha?" tanong ko.

He raised his brow and smirked. "Hat—ouch!"

I smiled at him, "Ha? Hampasin kita.." sabi ko saka ngumisi sakaniya. Hinampas ko siya sa braso eh.

Umirap siya sakin saka lumingon sa katabi niya at nakipagdaldalan.

Mabilis kaming nakarating sa Cebu. Nag bus naman kaming lahat papunta sa Moalboal at halos tatlong oras din 'yon. Kaya pagkarating namin sa hotel na tutuluyan namin ay nakatulog agad ako. Nang magising ako ay nakita kong natutulog pa si Dannielle at Micaella kaya lumabas muna ako. Dito kami sa side ng beach na hindi masiyadong matao at ayos sakin 'to. Marami naman kasi kami. Basketball at volleyball team kami dito. Buong team, kaya madami talaga.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now