Chapter 11

1.3K 39 18
                                    

"Mom, may kakausapin lang ako. Una na po kayong umuwi. I have my car naman po eh." paalam ko kay Mommy nang nasa parking lot na kami ng restaurant.

Nakita ko si Ricci na papasok na sa kotse niya kaya nagmadali ako para maabutan siya. Sakto namang paalis na siya nang makalapit ako.

Kinatok ko ang bintana ng driver's seat. Agad niya namang binuksan 'yon at tumingin sakin. Hindi naman agad ako nakapagsalita. Tila bigla akong nawalan ng sasabihin.

"What?" tanong niya saka bumaba ng sasakyan niya.

Huminga ako ng malalim at sinalubong ang tingin niya.

"Ano bang problema? Bakit hindi ka na namamansin?" Kunot-noo kong tanong sakaniya.

Bahagya niyang itinaas ang kanang kilay niya kagaya ng palagi niyang ginagawa, nagsusungit.

"Bakit ba ang sungit mo na?" dagdag na tanong ko pa. Sumandal ako sa hood ng kotse niya, "Ah, masungit ka nga pala tala—"

"Isn't it obvious that I'm avoiding you?" biglang tanong niya na ikinatigil ko sa pagsasalita.

Humarap ako sakaniya habng nakasandal pa rin sa kotse niya.

"Why?"

He sighed and looked away, "Muntik na kaming maghiwalay."

Muntik lang?

"Bakit?"

Tumingin siya deretso sa mga mata ko kaya nagtaas ako ng kilay, naghihintay ng sagot.

Nagbuntong-hininga siya bago nagsalita, "Because of you."

Obviously.

"Bakit ako?" taka kong tanong. Ayaw nalang kasing deretsuhin yung pagsasabi, hindi yung tinatanong ko pa siya.

"Nagseselos siya, okay? Sobra. To the point na she asked me to choose between you and her."

Tumikhim ako at nag-tanong kahit alam ko naman na ang sagot dahil nga iniiwasan niya ako ngayon.

"I chose her. Because I love her.." mahinang sabi niya.

Sa sandaling 'yon ay pinag-pasalamat ko ang dilim ng paligid dahil hindi niya makikita kung paanong nangilid ang mga luha ko sa sinagot niya.

Tanggap ko. Tanggap ko naman eh..

"Ayoko na siyang saktan pa kaya please, layuan nalang natin ang isa't isa." sabi niya, nangungusap.

Mapait akong ngumiti at tumango bago siya tinalikuran. Sa pagtalikod ko ay siyang pagpatak ng pinipigilan kong mga luha.

Kailan ba ako mananalo sa ganiyan? Palagi akong talo. Palagi akong hindi pinipili. Pati ba naman sayo talo ako?

I wiped my tears when I saw his family looking at me.

Lumapit sakin si Tita Abi, "Bakit, anak?" tanong niya bago inalis sakin ang paningin at itinuon sa likod.

Ngumiti ako ng tipid at umiling.

"Thank you po sainyo, Tita and Tito sa pagsama namin nila Mommy." nakangiti kong sabi.

Ngumiti rin si Tita pero hindi kagaya ng normal na ngiti niya. Isang simple at tipid na ngiti ang ipinakita niya.

Bumeso ako sakanila at nagpaalam din kila Kuya Prince. Humalik naman si Rasheed sa noo ko kagaya ng palagi niyang ginagawa.

Nagpaalam na ako sakanila at wala sa sariling naglakad palapit sa kotse ko.

Nahigit ko ang hininga ko nang may biglang humila sakin at bumagsak kami sa sahig.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now