Chapter 21

1.3K 44 10
                                    

Third day...

"Take a picture of me, babe!" sigaw ko sakaniya, kanina pa kasi siya nakatulala at hindi ako pinapansin. Kahit ngayon na sumigaw na ako, wala pa rin. Nakatingin lang siya sa phone niya.

Pansin ko kanina pa na parang wala siya sa sarili niya at lumilipad ang isip niya.

Kinuha niya ang phone ko at pinilit ngumiti saka ako kinuhanan ng picture. Pero katulad ng sakaniya, naging pilit na rin ang pag-ngiti ko.

Pinalampas ko ang oras na 'yon kahit gustong-gusto ko nang itanong kung anong gumugulo sa isip niya.

Ala una palang ng hapon ay nag-aya na akong umuwi dahil hindi rin naman kami nag e-enjoy pareho. Hanggang pag-uwi namin ay gano'n pa rin siya kaya hindi na ako nakatiis.

Pagkapasok namin sa room namin ay marahan kong hinigit ang braso niya paharap sakin.

"You okay? What's bothering you?"

"She..."

"She?"

"S-She tried to kill herself.." halos nakatulalang sabi niya.

"Sino nga?"

"Grace,"

Si Grace? Bakit niya naman gagawin 'yon?

"Bakit daw?"

"I.. I don't know. We need to go back to the Philippines now."

Nagulat ako sa sinabi niya. Uuwi kami para kay Grace? Para kay Grace?

"What?" tanong ko sakaniya, nagbabakasakaling maiba ang sasabihin niya, na namali lang ako ng narinig.

"Gusto ko nang umuwi. Kailangan niya ako.."

Gusto at kailangan.

Lumunok ako bago nagsalita, "I-I can stay here. Ikaw nalang ang umuwi."

Pipilitin kong tapusin ang dalawang linggo dapat namin dito. Pipilitin kong mag-enjoy kahit wala siya.

Pero gusto kong maiyak dahil ito palang ang pangatlong araw namin dito tapos gusto na niyang umuwi. Gusto na niyang umuwi dahil kailangan siya ni Grace. Ni Grace na naman.

Kasal na kami pero si Grace pa rin..

Dahil sa sinabi ko ay tila bumalik siya sa sarili niya at mabilis na tumingin sakin, kunot noo.

"No. Sasama ka sakin pauwi."

Umiling ako at tinalikuran siya saka pasimpleng pinunasan ang nangingilid kong luha.

"Pero sayang naman yung two weeks. Three days palang tayo dito, Ricci." kalmadong sabi ko kahit gustong-gusto ko 'yong isigaw sakaniya.

"I said no. Pwede naman tayong bumalik dito sa susunod pero ngayon kailangan na nating umuwi." sabi niya, nasa tono ng pananalita niya ang pamimilit.

"Don't worry, I can take care of myself."

Nagbuntong hininga siya saka ako inis na tiningnan.

"I am not going to leave this place without you, Zoey. Listen to me, please!" inis na sigaw niya.

"No! You listen to me, Ricci! Hindi ako sasama sayo! Kaya ko ang sarili ko!" I shouted.

Inis niyang hinagis sa kama ang jacket na hawak niya saka dumeretso sa mga gamit niya.

So, aalis talaga siya? Para kay Grace? Fine!

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now