Chapter 28

1.4K 45 6
                                    

["'Nak! Gising na si Rasheed!"]

Agad na bumukas ang mga mata ko nang marinig 'yon. Pikit-mata ko kasing sinagot ang tawag ni Tita ngayong umaga.

Thank you, Sheedy!

"Thank God! Punta na po ako diyan, Tita." 'di ko na hinintay pa ang sagot ni Tita dahil binaba ko na ang tawag at nagmamadaling nag-ayos.

Pumasok ako sa kwarto ni Sophia kung saan siya ngayon natutulog kasama si Kyle. Humalik ako sa noo nilang dalawa saka umalis na. Nag-iwan nalang din ako ng note at dinikit sa phone ni Kyle para makita niya agad.

Pagkarating ko sa ospital ay dumeretso agad ako sa kwarto ni Rasheed at nandoon sila Tita pati sila Kuya Prince, wala lang dito ay ang mga bata—sila Ashton.

"Tita." tawag ko sa atensyon niya.

Nakangiti siyang lumingon sakin at yumakap.

Napangiti ako nang makitang nakatingin sakin si Rasheed.

"Sheedy.." bati ko.

Naupo ako sa tabi niya at humalik sa noo niya. Kagaya no'ng nakaraang araw ay narinig ko ang pag-ubo ni Ricci at hindi ko nalang pinansin 'yon.

Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa nangyari sakaniya pero ang sabi nila Tita ay huwag munang pagsalitain nang pagsalitain si Rasheed.

May ibang araw pa naman para malaman ko talaga kung anong nangyari sakaniya.

"Bili lang kami ng pagkain sa labas, 'nak." paalam ni Tita saka lumabas kasunod si Tito Pao.

Naiwan naman kaming apat dito at sobrang awkward dahil walang nagsasalita sa aming apat. Bigla ay parang gusto kong lumabas ng kwarto.

Kagat-labi akong yumuko at nagkalikot nalang ng kung ano-ano sa phone ko.

"Zoey."

Napapalunok akong nag-angat ng tingin kay Ricci.

"What?"

He sighed. "Can we talk?"

Wala naman nang pag-uusapan kaya hindi ko alam sakaniya kung bakit kahapon pa niya ako gustong kausapin.

Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto.

"Babe! Shan!" nakangiting sabi ko nang pumasok si Shantelle at Sandara.

Tumayo agad ako yumakap sakanila. Mula nang makauwi ako hindi ko pa sila nakikita. Ngayon lang ulit.

Lumapit naman agad si Shan kay Rasheed matapos humiwalay sakin.

Tumayo si Kuya Prince at naupo sa single couch. Kami naman ni Sandara ay nagtuturuan kung sino ang mauupo sa tabi ni Ricci at kung sino ang mauupo sa kabilang dulo.

Natahimik naman ako nang makitang nakatitig siya sakin.

Pabuntong hininga akong naupo sa tabi niya.

Tumingin ako kila Shan at Sheedy at umiiyak si Shan habang nakayakap kay Rasheed.

"I was so worried.." she said, sobbing.

Marahang hinaplos ni Rasheed ang buhok ni Shan.

Mapait akong napangiti. Mabuti pa 'tong si Shan, masaya na. Mabuti pa sila, okay na. Samantalang kami.. ang labo na.

Napatingin ako kay Kuya Prince nang tumayo siya at lumapit kay Sandara.

"Labas tayo?" mahinang tanong ni Kuya.

Uh.

"Sure. Sige." sagot ni Sandara.

Palihim kong hinawakan ang kamay ni Sandara at tumingin sakaniya. Pinagkunutan ko siya ng noo.

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now