Chapter 19

1.3K 44 14
                                    

"Talk to me." pakiusap ko kay Zoey.

Last week pa kami hindi nakakapag-usap, mula nga nang mapanood niya yung video na sinend sakaniya ni Grace, hanggang ngayon. Ayaw niya pa rin kasi akong kausapin. Sobrang cold niya. Tipong ayaw niya ako kasabay kahit sa pagkain kaya ang ending pinapauna ko na siyang kumain. Hindi niya rin ako tinitingnan. Feeling ko nga hindi ko siya kasama.

Hindi rin ako makaalis ng bahay dahil mag-aalala lang ako sakaniya kapag hindi ko siya nakikita. Plus, nag-iisip pa ako ng paraan kung paano siya susuyuin. Kaso sobrang cold niya talaga at hindi ko naman siya masisisi dahil nga nasaktan siya.

Kagaya ngayon, sabi ko kausapin niya ako pero parang wala siyang narinig. Ni hindi siya lumingon sakin.

Tumayo siya pero bago pa siya makapaglakad ay nayakap ko na siya mula sa likod.

"Sorry na nga.." bulong ko saka marahang hinalikan ang ulo niya.

"Bitiwan mo ako." malamig niyang sabi.

Hihigpitan ko palang ang pagyakap ko ay pwersahan na niyang inalis ang pagkakayakap ko sakaniya saka deretsong lumakad papasok ng kwarto.

Matunog akong nagbuntong hininga. Ang hirap manuyo ng toyoin at selosang asawa.

Bakit naman kasi kailangan pang i-send ni Grace 'yon, eh. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko para magkaayos kaming dalawa ni Zoey.

Wait, kung mayroon siyang video na cut, mayroon din siyang buong video na siya lang naman ang gumawa nun sakin. Fuck! Kailangan ko 'yong makuha sakaniya.

Pumasok ako sa guest room na naging kwarto ko na last week pa, saka ako nagpalit ng damit. Kailangan ko nang makuha ngayon yung buong video para kapag umalis kami ni Zoey ay bati na kaming dalawa.

Hindi ko mae-enjoy ang honeymoon at ang France kung hindi kami magkaka-ayos. I'm not talking about sex, okay. Honeymoon is not all about sex or making love naman kasi eh.

Gusto ko na kapag nandoon kami ni Zoey ay maging masaya naman siya. Hindi yung puro sakit nalang ang nararamdaman niya.

Matapos kong magbihis ay lumabas agad ako ng kwarto at natigilan ako dahil nakatayo si Zoey at nakasandal sa couch. Magkakrus ang mga braso sa may dibdib at mataray na nakatingin sakin. Ano na naman kaya ang ginawa ko?

"Where are you going?" mataray niyang tanong saka sinulyapan ang wall clock. 7:30PM.

Lihim akong napangisi.

"Blind date." simpleng sagot ko saka hindi na siya pinansin kunwari at deretso akong lumabas ng unit.

Paniguradong galit na naman 'yan dahil sa isinagot ko.

Habang nagda-drive ay tinawagan ko si Grace at sinabihan na pupunta ako doon ngayon.

Sinalubong niya agad ako ng halik at bigla akong kinabahan dahil baka mamaya ay mag-send siya ulit ng video kay Zoey, kaya humiwalay agad ako.

Naupo lang kami sa living area at nanood lang ulit ng movie kagaya ng palagi naming ginagawa.

Para mabaling sa iba ang atensyon niya ay sinabi kong magluto muna siya dahil nagugutom ako, chance ko na rin 'yon para hanapin ang kailangan kong kuhanin. Flashdrive. Alam kong nandoon ang video namin dahil lahat naman ng video na mayroon siya ay palaging nasa flashdrive niya.

Naghanap ako sa buong living area pero hindi ko mahanap ang flashdrive niya kaya pumasok ako sa kwarto niya at nakita ko ang laptop niya, nakasaksak na rin ang flashdrive.

Hinanap ko sa files ang video naming dalawa at nang makita ko 'yon ay agad kong pinasa sa flashdrive na palagi ko ring dala.

Bati na tayo, Zoey..

Forced Marriage - COMPLETEWhere stories live. Discover now