HIRO IS MISSING?

82 18 0
                                    

CHAPTER 34:


"Alora!"

Nagulat ako nang bigla akong gulatin nina Karl at Becky habang naglalakad sa loob ng campus papasok ng building.

Hindi pa man ako magsasalita ay hinila na nila ako paupo sa isang bench na malapit sa field.

Umagang-umaga ay bigla nila akong ginano'n? Anong mer'on?


"Oh my god! Congrats, Alora! Finally engaged na kayo ni Trevor, paid off lahat ng pagpapansin mo." Excited at mas dreamy pa siya sa akin.


I don't know if all the time I've spent for Trevor is still worth it. I know in myself that I don't like him anymore, no, I don't like him at all.


"Mmm, go congrats me all you want. Everything you saw yesterday night was just a show." Sinakyan ko nalang sila at pinabayaan si Becky na mag-cling sa akin.


Tumayo na ako at sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng school building.

Pagpasok namin ng room ay bumungad agad si Trevor sa pwesto niya malapit sa pinto. He stare at me when he saw me. Sinamaan ko lang siya ng tingin dahilan para umiwas siya ng tingin, maangas pa rin siya katulad ng dati pero parang may kakaiba na sa ikinikilos niya.


"Magkagalit ba kayo ni Trevor?" Tanong ni Karl nang hindi ko batiin si Trevor. Noon kasi ay panay ang tawag ko sa kanya, ngayon ay parang wala na.


Hindi ko na iyon sinagot at naupo na sa silya ko. Bored kong ibinaba ang bag  sa likuran ko at yumuko sa arm desk ko. Habang nakayuko ako at nakapikit ay biglang tumama ang sikat ng araw sa mukha ko, umayos ako ng pagkakaupo at tinakpan ng kamay ko ang sinag ng araw para hindi tumagos sa mukha at mata ko.

Bigla akong natigilan sandali, tumingin ako sa pwesto ni Hiro, wala siya doon. Where is he right now? Hindi ba siya papasok?


Napansin ako ni Becky na parang natuliro sandali, "What are you looking for? May problema ba? Parang naging balisa ka bigla." She's right, lumapit pa kasi ako sa pwesto ni Hiro at sumilip sa bintana kung nasa may garden lang siya sa ibaba.


Maya-maya pa ay umupo ang isa kong kaklase sa upuan ni Hiro. Wilson is now the one who occupied the seat, siya ang kaklase naming nerd din at tahimik. prenta siyang naupo doon na parang matagal na siyang nakapwesto doon.


"Your seat is on the back, right? Bakit ka nakaupo sa pwesto ni Hiro?" I don't mind if I became rude to him or whatever, basta dito nakaupo si Hiro. He likes to be beside the window.


"Ha? Anong sinasabi mo? Simula first day of school ay dito na ako nakaupo." Paliwanag niya. Tiningnan niya lang ako at hindi na pinansin pa.


Bumalik ako sa pwesto at kinausap ulit sina Becky at Karl, for sure they already knew that Hiro is the one who sits that area.


"Si Hiro ang nakaupo doon 'diba? Bakit hindi niya alam?" I started to get worried for Hiro now.


"Ha? Hiro? Sino 'yun? I never heard of that name before." Si Becky ang sunagot at nag-angat ng balikat.


"Anong sinasabi mo, Alora? Number 13 si Wilson, doon talaga ang pwesto niya." He laughs a bit about what I said. Hindi sila naniniwala.


Did they forget about him again?


Naging balisa ako bigla at hinanap ang pangalan ni Hiro sa Class book na nasa teacher's table na nasa corner na malapit sa black board.

Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now