TREVOR KNOWING THE TRUTH

126 14 2
                                    

CHAPTER 35:


*Trevor's Point of view*



"Hanggang kailan mo ba balak i-snob-in si Alora?" Tanong ni Zack parang alalang-ala.



Nasa head quarters kaming tatlo at nakatambay. Nakaupo kaming pareho ni Jaxton sa sofa, habang nakatayo naman si Zack sa harapan namin at nagppractice ng violin.



Pinaba-bounce back ko lang ang tennis ball na hawak ko sa pader ng walang humpay. I can't concentrate to what he is saying, I feel irritated.



"Tss," singhal ko at nagpatuloy lang sa pagpapatalbog ng bola.



"Ayan ka na naman sa singhal mo e, hindi ka namin maintindihan kahit kaibigan mo kami. Share your thoughts, bro." Napailing lang siya at naupo sa isang upuan na nasa harap ng table namin.


Inihinto ko ang pagpapatalbog ng bola at sumandig ng maayos sa prentang pagkakaupo ko. I can't stop rolling my eyes, I can't calm down, I am upset over nothing.


"Bakit ba ako ang topic n'yo?" Nilingon ko silang dalawa na hindi nagkikibuan. "Tss, hindi pa rin kayo magpapansinan?"


Napayuko ako at ipinatong ang dalawang braso ko sa hita ko at pasimpleng tiningnan ang dalawa.


"Don't bother me, I am busy," biglang sumabat si Jaxton na nakatuon ang paningin sa isang box ng strawberry drink sa table.


"Uy, pahingi!" Walang paalam na kukuha sana si Zack sa kahon nang awatin ni Jaxton ang kamay ni Zack sa pagkuha.


"Do you like this drink?" Sabay turo ko sa strawberry drink na parang nagtataka. "Hindi ka naman mahilig sa sweets e?" I simply smirked and lay my back again in the sofa.



"Y-Yeah, I like this." Sabay kuha ng isa at pinasakan ng straw.


Zack just shrugged off his shoulders and looked on each other. We saw Jaxton smiled after sipping the drink. Alam na namin ang dahilan kung bakit siya palihim na ngumiti, matapang man at umaaktong maangas sa iba, pagdating kay Claire na nagmumukhang bata.


Pinili kong magpaalam at lumabas na ng kwarto. Naglalakad na ako sa hallway pabalik ng klase nang makita ko si Alora na parang may hinahanap.


Hindi ako nagpakita at sinundan siya. She never knew that I always watching her from behind.


Nagmamadali siyang maglakad at nakita kong pumasok ng cafeteria. Palihim akong sumunod sa kanya at pinagmasdan ko siyang pumasok mismo sa loob at parang dumiretso sa kusina.


Madalas ko nga siyang nakikita dito sa cafeteria, malamang dito siya tumatambay.

Lumabas na ako at bumalik sa classroom. Nandoon ang mga kaklase namin pero may kanya-kanyang mundo.

Tiningnan ko ang upuan niya, nakakalat pa ang medicine kit niya at ang mga libro niya. Lumapit ako doon at hindi naiwasang pakialaman ang mga gamit niya.

May isang notebook siya na nakabuklat na  nakaagaw ng pansin sa'kin. Nakapamulsa ang isang kamay ko at kinuha ang notebook sa desk niya. Sa unang page palang ay may nakasulat doon na mas lalong nakapagpakunot ng noo ko.


"Hiro?" I smirked and rolled my eyes. Padabog kong naibalik ang notebook sa desk niya. "Hiro, again."



Napansin kong wala si Hiro sa pwesto niya, hindi naman siya kasama ni Alora kanina. Himalang wala ang isang 'yon na bumubuntot kay Alora.



Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now