JAXTON'S MOTHER

105 15 7
                                    

CHAPTER 31:

"Gaano kaya naenggrande 'yung birthday ni Jaxton bukas, ano? He will be the most handsome man that night." Becky is daydreaming again about Jaxton.


Nakatambay lang kami sa room kasama ang iba pa naming kaklaseng pinili ang magstay sa room kaysa bumaba at magpunta ng cafeteria.


"Akala mo naman isasayaw ka ni Jaxton," biglang singgit ni Karl dahilan para paluin siya ni Becky ng de oras sa balikat nito.


Yes, it's Jaxton's birthday tommorow. Muntik ko pa makalimutan pero buti nalang at ipinaalala nila sa akin. The three of us are invited, ganu'n din ang iba pa naming kaklase. His servants came to school earlier, nagbigay sila ng invitation sa mga kaibigan at kakilala ni Jaxton.


"Oh, Alora, alam mo na ba na dadalaw ang mommy ni Jaxton ngayon sa school?" tanong ni Becky sa akin.


Nasa harap nila akong dalawa at nakatingin lang sa bintana kaya hindi ko kaagad pinansin ang sinasabi niya.


"Ha? What did you say?" I'm really not into my mind lately. Maybe I don't see Hiro this morning?


"I said, Tita Serienne will come to school today. Hindi mo alam?" Pag-uulit ni Becky.


Tita Serienne will visit? It's very long time since I saw her.

Nagpaalam muna ako sa kanila na lalabas muna sandali, nagpunta ako sa punong nasa sentro ng school. They say that tree is hundred years old now, before I got close to Hiro, doon ko din siya madalas nakikita.


"Charaan!" Pang-gugulat ko kay Hiro na nakayuko dahil may isinusulat na naman na kung ano sa notebook niya. "Found you!" Dagdag ko at saka naupo sa tabi niya.

Tumingala ako at tiningnan ang kabuuan ng puno. Sobrang lapad at laki nito, marami na ring dahon sa sahig at sa patio na kinauupuuan namin.

Napatingin naman siya sa akin at ngumiti. Sa unang pagkakataon ay ibinigay niya ang notebook na dati ay itinatago niya lang.


"Oh! Binibigay mo sa'kin?" I'm curious why is he giving me his secret notebook.


"Tingnan mo," saad niya at muli akong binigyan ng ngiti. His smile is so beautiful talagang nakakatunaw ng puso.


Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, bigla akong kinilig at nasurpresa sa nakalagay sa notebook niya. He drew me. Kahit ang mga oras na magkasama kami ay simpleng nakaguhit doon. Sinagi ko ang braso niya at tiningnan niya lang iyon.


"Nagustuhan mo?" Hindi ko alam kung may ikakatuwa pa sa ginagawa niya. Wala akong nagawa kundi ang tumango at dalawang kamay na iniabot sa kanya ang notebook.


Natigilan kami nang makitang may mga estudyanteng nagsisitakbuhan papunta sa main entrance building ng school. Bigla ring binuksan ang dalawang gate ng school at may mga pumasok na mga van at kotse.


*STAGE*

Nagmulat nalang kami ng paningin ni Hiro nang kasama na kami sa mga estudyanteng nag-aabang ng mga papasok na sasakyan.

That's Tita Serienne, for sure.


"Bakit naghihiyawan ang mga estudyante?" Napansin ni Hiro na lahat ay nagsisigawan at may mga dala pang lobo at banner.


"Gayahin mo nalang sila. Kaya nga nandito tayo e," suhestiyon ko at nagsimula na ring gayahin ang mga naghihiyawan.

Wala na rin siyang nagawa kundi pumalakpak at magfocus sa mga pumaradang sasakyan.  Apat na sasakyan ang halos sabay-sabay na huminto, dalawang itim na kotse, at dalawang puting van.

Look, I found you (UNDER REVISION)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang