FEW LAST PAGES

65 12 0
                                    


CHAPTER 47:


Alora's Point of View:


Nasa sky bridge ako at mag-isang nakatingala sa kawalan. Hiro was once lost, tapos ngayon ang mga kaklase ko.


What is going happen with me?


Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at bahagyang napalingon sa kanan ko nang may marinig na yabag ng mga paa. Nagulat ako nang makita si Gian na papalapit, ang step brother ni Trevor.


"Kamusta Alora? Este, Ate Alora pala," pabiro nitong bati at saka tuluyang lumapit sa kinatatayuan ko.


Kumpara kay Trevor, mas mabait si Gian. Hindi bad boy type at lalong hindi maangas. Palagi niya akong binabati kapag pumupunta kami ni Daddy sa bahay nila. I'm glad he's not like his older brother.


"Mmm, Gian?" I answered while resting my arm on the railings.


"Siguro ang hirap ng sitwasyon mo ngayon kumpara noong nakaraang buhay mo, 'no?" He crooked his face.


Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Tungkol ba 'yun sa isang comic book na tinutukoy ni Trevor?


"N-Nakaraang buhay?" Pag-uulit ko.


Tumango si Gian bago tuluyang nagsalita. "Si Kuya Trevor ay ganyan na kahit sa past life niya. Kilala ko siya, hindi siya nagpapakita ng emosyon niya kahit alam niyang nasasaktan na siya."


"A-Alam mo kung anong nangyari dati?" Hindi ko mapigilang magtanong. Curiousity is killing me.


He started to chuckle a little bit and looked away. By his facial expressions and gesture, I knew he remembers everything. Nabasa na rin kaya niya ang comics na tungkol sa'min?


"You should go. Baka hinahanap ka na ng boyfriend mo." Pabirong aniya. Medyo naguluhan naman ako, did he mean Trevor?


Tumingin ako sa kanya ng naguguluhan at bumitaw sa railings.


"Si Hiro," aniya. Kilala niya si Hiro? Did Trevor told Gian about him?


"K-kilala mo si Hiro?" Tanong ko sa kanya at mabilis na tumango.


"Hiro is also just the same as before. Kinaiba lang, may pangalan na siya ngayon. Noon kasi wala e. Glad that he is still here." He genuinely smile to me.


Tinapik niya ako sa balikat at saka nagpaalam na aalis. I forgot to ask him if Hiro really killed me like what Trevor told me before.


Aalis na rin sana ako nang matanaw si Curry fairy sa baba na nakacrossed arms na nakatingin sa akin.


"Why are you looking at me like that? May ginawa ba 'kong kasalanan?" Agad kong tanong ng makapasok kami sa school kitchen. Pasampa akong naupo sa counter table at nanatili pa ring matalim ang tingin ni Curry fairy.


"Siguro naman aware ka na sa bawat consequences ng mga ginagawa mo? Pero lahat ay may katapusan."


Is he talking about the story again? Hindi pa man ako nakakakibo ay hinatak niya ang cabinet na nasa kanan ko at inilabas ang comic book. Iniabot niya sa akin ang libro ng hindi umiimik at kinuha ko naman iyon.


Hindi na ako sumagot pa at mabilis na pinasadahan ang libro. Nahagip ng mata ko ang ilang pahina nito.


"W-What?" Hindi ko makapaniwalang reaksyon.


Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now