ALORA'S HARD TIME

74 15 4
                                    


CHAPTER 37:




Pinilit kong bumangon at pumasok ng school ngayong araw, bukod sa sakit ko ay pinapahirapan ako nang nararamdaman ko. I am praying everytime, wishing that, Hiro will comeback soon. I miss him already, I think I can't be myself without him anymore.



Trevor can't and will never be Hiro. Ayaw kong umasa si Trevor sa akin kahit na wala na si Hiro, hindi na maibabalik sa dating ako ang nararamdaman ko sa kanya.




"Ayos ka lang ba, anak?" Tanong ni Daddy ng magparada siya sa kotse sa harap ng school.




"Mmm," ungot ko lang at nagpeke ng ngiti bago bumaba.




Hindi na sumagot pa si Dad at bumaba na ako ng sasakyan at mag-isang naglakad papasok ng school building. Everyone is like having a great time, may mga nag-aasaran sa staircase paakyat ng school building at may mga estudyanteng nakatambay at nagtatawanan sa may entrance nito.




Pagtuntong na pagtuntong ko ng school building, isang familiar na mukha ang sumilay sa akin sa locker's area. Inanigan ko ang mukha nito dahil tumatama sa kanya ang sikat ng araw.




Tiningnan ko ang kabuuan nito, ayaw ko mag-assume dahil ayaw ko magkamali, pero wala akong pakialam. Gusto ko makasigurado. Kilala ko ang tindig na 'yon.




Hiro. There you go, I found you.




"Hiro!" I called his name, tumingin naman siya sa akin.




I-I c-can't believe that he's back. Sabi na at ma-oovercome namin ang gusto ng writer. I'm happy that I am seeing him again.



Kagaya noon, tinitigan niya lang ako at hindi man ako nginitian. Hindi siya lumapit at nanatiling nakatingin lang.




Ilang sandali pa ay marahan siyang naglakad sa direksyon ko. Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa tuwa na nandito na siya. Napangiti ako at akmang kukunin ang kamay niya ngunit nilagpasan niya lang ako.



Napalingon ako sa likuran ko nang makitang umaakyat si Trevor. Sinalubong nito si Trevor at nakangiting inakbayan nang makalapit ito sa kanya. Kitang-kita ko kay Trevor ang pagtataka, itinulak niya ito at saka lumapit sa locker.





"H-Hiro, nagbalik ka na!" Halos maluha-luha ako nang lapitan ko siya at hawakan ang braso niya. Sobrang nanabik ako sa kanya.




"Trevor? Anong nangyayari sa fiancé mo?" Bumaling siya kay Trevor at napangisi nalang.




Kusa akong napabitaw sa kanya at nagtaka sa mga ikinikilos niya. He ignore me, like before. Parang naistatwa ako dahil doon, kay Trevor nakatuon ang atensyon niya. I don't like it.




Kinuha ko bigla ang kaliwang kamay niya, at inilahad ang palad niya. "I-It should be here. Nawawala y-y'ung sugat mo?" Hindi ko binitawan iyon at pinisil-pisil ang palad niya. Nawala ang mahabang peklat niya sa kamay, ni hindi siya nasaktan man lang.





What happened to you?




Pahablot niyang inalis ang kamay niya at tumingin sa akin ng masama. Nagkatinginan lang kami ni Trevor, kahit siguro siya ay hindi niya maintindihan si Hiro ngayon.




"Magpapalit ka ng damit? May practice tayo sa tennis ngayon di'ba?" Tinapik-tapik nito ang balikat ni Trevor at akmang aalis.




"H-Ha? Oo, sige. Mauna ka na." Iyon lang ang naging tugon ni Trevor sa kanya at hindi nilingon pa si Hiro.





Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now