DREAMY DATE

75 12 3
                                    


CHAPTER 40:



The sky was so bright this morning. All the sadness I've felt these past few weeks are now filled with love and happiness. Excited akong pumasok ngayon para makasama si Hiro, I can't help but to smile all the time. Pinipigilan ko na nga lang dahil may mga estudyanteng tumitingin sa akin sa hall way.



Nang makapasok ako sa room ay agad kong pinasadahan ng tingin si Hiro, he smiles back at me when he saw me. Iniipit ko ang buhok ko sa magkabilang tenga at umupo ng maayos. Palihim pa rin akong nangingiti kapag naiisip kong buong gabi kami magkasama. 


Napansin ko ring pumasok na si Jaxton at palihim na pinasadahan ng tingin si Claire habang pumupunta sa pwesto niya sa may likuran. Sa tingin ko napansin 'yun ni Claire pero hindi na lang binigyan ng pansin.



May nangyayari ba sa kanila na hindi ko alam? Mas focus lang siguro ako kay Hiro nitong mga nakakaraan, hihi.



Agad kong kinalabit si Becky na sa likuran ko at tiningnan din naman niya ako kaagad.


"Magkagalit ba si Claire at si Jaxton?" Tanong ko at muling tiningnan ng palihim si Claire at si Jaxton na parang may tension sa kanilang pareho.



"Psh," singhal ni Becky at sinamaan ng tingin si Claire. "Some things are now going on between them. Hindi mo alam? May nakakapagsabi na they are secretly dating kahit ayaw ng mommy ni Jaxton. Gusto ko talagang sabunutan 'yang babae na yan, kung 'di lang nakialam si---" hindi na naituloy pa ni Becky ang sasabihin dahil may halong inis ang pagkwekwento niya. Halos manggigil siya habang nagsasalita.



Tumango-tango na lang ako at kunwari ay sinasang-ayunan ang mga sinasabi niya, "Ohh, salamat sa pagsabi, Becky!" sagot ko nalang at umayos na ng pagkakaupo nang makapasok ang teacher namin sa History.



Pagkatapos ng klase ay lumipat naman kami sa music room, doon kasi ang susunod na klase namin. Nakita kong may nahanap na upuan si Hiro, kaya agad akong pumasok at tumabi sa kanya.


Iba ang set-up ng music room kumpara sa ibang ordinaryong classroom. Hindi arm chairs ang gamit namin kundi magkahiwalay ang upuan at table namin. Pareho kahoy ang mga ito at may mga musical instruments din na naka-display sa unahan.



"I see that everyone is here, ano?" Tanong ng music teacher namin na may hawak pang musical score sheet.


"Yes, sir." sagot ng lahat at agad na nag-distribute ng xerox ng isang musical sheet na may lyrics ng isang kanta na hindi familiar sa akin.


"Okay, let me explain what you're holding right now." Panimula nito at naglakad-lakad sa harapan. "That musical piece is all about love. Ang kantang 'yan ay para sa mga magkasintahan na parang nakikipaglaban. Love against all odds, ika nga."



Habang nakikinig sa discussion ay naboring ako bigla. I really don't have an interest in this subject. Tumingin ako kay Hiro, He is focused in listening, nakatingin siya ng diretso sa harapan.



Bigla akong nagtaas ng kamay kaya naman nagtinginan ang lahat sa akin, pati si Hiro. Tumayo ako at tumigil naman sa pagsasalita ang teacher namin.



"O, Alora? May problema ba?" May halong pag-aalala ang teacher ko.



"Y-Yes sir. Medyo naninikip po ang dibdib ko e," ani ko at nagkunwaring may nararamdamang hindi maganda at itinapat ang dalawang kamay ko sa may puso ko.



Lumingap ang teacher namin sa paligid, sa tingin ko ay hinahanap niya si Trevor. Sanay na kasi sila na kapag masama ang pakiramdam ko ay siya agad ang hinahanap nila.



Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now