ZACK'S ROLE

165 43 11
                                    


CHAPTER 8:


*Zack's point of view:


-THE STAGE-


Napadaan ako noon sa room nila Jaxton, dahil mayroon kaming pag-uusapan kasama si Trevor. A3, syempre.

Natanaw ko sa bintana na naglilinis si Claire sa loob ng room. Hindi ko maiwasang hindi ma-amazed sa kanya. Kahit kasi madalas siyang nabu-bully ay hindi man lang siya gumaganti, masaya pa siyang naglilinis, at sumasayaw pa dahil na din siguro sa earphones na nakapasak sa tenga niya.

Mas inilapit ko pang mata ko na mga siwang ng bintana, at pinipigilan ang sarili na matawa at ngumiti ng husto dahil sa tuwa.


"I can't believe, Claire can be this beautiful," nasabi ko, hindi ko talaga maiwasang hindi humanga sa kanya.



-END OF STAGE-


Nanatili pa akong ganu'n ang pwesto ko, hanggang sumulpot nalang si Alora sa gilid ko at naka-crossed arms. Sumilip din siya at saka tumango-tango.


"Ang ganda niya 'no?" pati kay Alora, ay hindi ko maiwasang hindi mabanggit si Claire.


"mmm. Halatang halata nga na gusto mo siya e, nakahawak ka pa sa baba mo." Nag-poker face pa siya at saka ibinaba ang dalawang kamay.


Na-conscious ako bigla sa ikinilos ko at nag-seryoso sa harap ni Alora. Pero nanatili pa ring nakapako ang paningin ko ay Claire na nagwawalis pa rin.


"Nasa stage ka siguro kanina? Kase si Claire may liwanag sa ulo niya e. Hindi pa rin tapos 'yung eksena niya. Kawawang Claire." Saad ni Alora, at sa akin bumaling ng tingin. Hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya.


"Ha? Ano, stage?" Her words are confusing to me.


"Huwag mo na alamin, hindi mo talaga ma-ge-gets. Pagbutihin mo 'yung set-up mo, okay. Mauuna na 'ko."


Minsan ay hindi ko maintindihan ang mga kilos ni Alora, may oras na parang ang bait niya lalo na pag nandyan si Trevor, minsan naman ay nagsusungit gaya ngayon.



*Clicking sound* (stage begins)


"Nandyan po si Doc Vin, sa loob. Pasok na po kayo." saad ng Nurse sa akin.


"Aah, sige. Thank you ulit, tuloy na 'ko." I replied then smile to the nurse who just got out in my brother's office.


Nagtaka ako dahil may dala rin akong paper bag. Hindi ko alam kung anong nangyari, I know I was just in school, tapos ngayon nasa ospital na 'ko. Unbelievable!

I just shrugged it off and knocked twice, bago ako tuluyang pumasok. Nakaupo si kuya, at nagsusulat ng kung ano sa folder na nasa table niya. Tumayo agad siya ng makita ako, He tap my shoulders saka kinuha ang paper bag na dala ko.


What is exactly happen? I can't speak anything.


"The best ka talaga, lil' bro. Buti at naalala ni Mommy na ipadala sa'yo ang extra coat ko." He's looking what's inside the paper bag.


"Tss, wala 'yon. I got to go, bro. Mauuna na' ko." at saka lumabas ng pinto.


*Stage ends*


Hanggang ngayon ay dala ko pa rin ang pagkalito, napapailing man pero hindi ko na iyon pinansin. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses nangyari ang ganitong sitwasyon sa'kin. Vin, even he's a doctor ay hindi alam kung ano ang nararanasan ko.

Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now