SAME ENDING?

87 12 4
                                    


CHAPTER 48:


Third person's point of view:


**The flashback**


"Binibini!" Parang may gumagambala sa binata nang makita ang dalaga. Hinawakan nito kaagad ang mga kamay ni Alondra nang makaalis ang ama nito.



"Bakit humahangos ka? Anong problema?" Nag-aalala rin si Alondra sa sinisinta.



"Itatakas kita, Alondra.." Sa unang pagkakataon nawala ang salita ng paggalang sa dalaga. Simula nang magkakilala sila ay palagi nitong kinikilala na siya ay alipin lamang nito.



Hindi pa man nakakasagot si Alondra ay hinatak na siya ng binata palayo sa bahay nito. Tinakpan ng binata ang kalahati ng mukha nito ng tela at nagmadali sila na makalayo sa mga tao sa paligid.

Dapit hapon na iyon, alam ng binata na hindi dapat itakas si Alora, ngunit sa mga sandaling iyon, wala siyang ibang naisip kung hindi iligtas ito sa kapahamakan.



"S-Saan tayo magpupunta?" Naguguluhang tanong ni Alondra at pinigilan silang maglakad pa ng mabilis.



"Wala na tayong oras, binibini. Pipigilan ko ang kasal n'yo ni Ginoong Santiago," saad ng binata at mas hinigpitan pa ang kapit sa kamay ni Alondra. "Mahal kita Alondra. Hindi ko man hawak ang ating kapalaran, gusto kong baguhin ang nakatadhana."



Nahagip ng mga mata ng binata na may mga sundalong nasa paligid. Tiyak siya na tauhan ito ni Ginoong Santiago, muli silang nagkubli sa mga tao at naglakad papalayo sa mga ito. Kahit na walang kaalam-alam si Alondra ay patuloy siyang nagtiwala at sumunod dito.


Habang binabagtas nila ang mataong lugar ay biglang may nakapansin na sundalo sa kanila at sinundan sila ng tingin. Lumingon si Alondra at agad silang nakilala nito. Napalingon din ang binata nang makitang sinusundan sila ng mga ito.


Unti-unti nang kumakagat ang dilim, ngunit hindi pa rin sila nakakalayo sa lugar. Hanggang dumami na ang mga humahabol sa kanila, tumakbo sila sa isang templo at umakyat ng hagdan paatras ng sukulin sila ng mga sundalo na may mga dalang espada, iba't ibang klase ng patalim at baril.


Ikinubli ng binata si Alondra sa kanyang likuran at inilabas ang kanyang espada na nakasuksok sa lalagyang nasa tagiliran niya. Nagsitabihan ang mga sundalo, at lumabas si Santiago na nakangisi at naglabas din ng sandata. Unti-unti itong lumapit sa kanila habang nilalaro ng tingin ang hawak na espada.



"Taksil!" naisambit ni Santiago sa kanyang pinagkatiwalaang kanang kamay. "Akala ko ay kaya mo minamanmanan ang aking binibini ay para sundin ang inuutos ko." Tiningnan niya ang dalaga sa likod nito at muling napangisi bago muling ibalik ang paningin sa binata. "Iyon pala ay may pagtingin ka na kay Alondra?"



Naglakas loob si Alondra na harapin si Santiago. Natatakot man ito ngunit naibsan iyon dahil sa binatang kanyang katabi.



Isinenyas ni Santiago ang kanyang mukha sa mga sundalong nasa likod nina Alondra at sapilitang inilayo ang binata kay Alondra. Hinawakan nila ang magkabilang braso nito upang hindi makapalag at sapilitang pinaluhod ang dalaga sa harap niya.



"Santiago!" Angil ni Alondra ngunit hindi siya makakilos. Muli ay hindi naman niya kontrolado ang kanyang katawan.



"Alam mo, Alondra? Gusto kita ngunit mas gusto kong makuha ang kayamanan kaysa sa pag-ibig mo. Napakadali mong paikutin."



Nasaktan si Alondra sa mga sinabi ni Santiago.



Binitawan ng mga sundalo ang binatang walang pangalan at inilapit ito ni Santiago sa harapan ng dalaga na takot na takot.



Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now