HURT

68 10 1
                                    


CHAPTER 44:


(Third person's point of view)


Nang magkita si Alora at Hiro, hindi nila alam na nandoon rin pala sa campus si Trevor. Alam na niya ang tungkol sa mangyayaring operasyon ni Alora. He came to know her story in the comic book, kay Curry fairy siya unang nagtungo.



Nakaupo si Curry fairy sa upuan na nasa counter table at biglaang napatayo nang makita si Trevor na nakatayo sa labas.



May napansin si Trevor na kakaibang libro na hawak ni Curry fairy. Bigla nitong itinago ang libro sa likuran niya. Hindi nagpahalata si Trevor na napansin niya ang bagay na iyon at nagtuloy-tuloy sa pagpasok.



"Anong mangyayari kay Alora?" Iyon agad ang ibinungad nito kay Curry fairy.



"Wala akong alam, Trevor. Ang alam ko lang masasaktan si Alora sa pagsuway niya," aniya nito at palihim na itinabi ang libro na hawak at pinag-krus ang mga braso.



Ngumisi si Trevor at nagpamulsa, humakbang siya papalapit rito. Wala siyang oras para makipaglokohan dito.




"Tss," suminghal si Trevor. "Kung may tangkang manakit sa kanya, hindi ako 'yon," anito at sinamaan ng tingin si Curry fairy bago tuluyang lumabas ng kusina.



Hindi kaagad umalis ng school si Trevor, nais niyang manmanan ang mga kilos ni Curry fairy. Alam niyang may itinatago ito.


Samantala, naiwang mag-isa si Curry fairy, nagpakawala siya ng buntong hininga at muling hinawakan ang libro, pinagmasdan pa niya ito at binuksan ang ilang pahina. Comic book din ito kagaya ng nakikita nila Alora at ng iba pa sa library o mismo sa kanya.


Ngunit kakaiba ang isang ito, siya lamang ang tanging nakakaalam nito. Hindi niya inalis ang paningin sa libro at nagsalita, "Dapat ay noon palang ay winasak na kita." Isinarado nito ang aklat at saka inirolyo ng isang kamay lang ang buong libro.


Umakyat siya sa rooftop ng school at sinunog sa isang malaking trashbin na may lamang lupa ang libro, pinagmasdan pa niya ito nang unti-unting kainin ng apoy ang pabalat nito.


Ang hindi niya alam ay palihim pala siyang sinusundan ni Trevor. Umalis na siya at hindi na tinapos na tuluyang lamunin ng apoy ang buong libro.

Tumingin muna si Trevor sa paligid kung babalik pa si Curry fairy at saka niya ipinagpag ang nag-aapoy na libro, ngunit huli na siya halos abo na lamang iyon. Binuklat niya ito at nakita na may ilang bahagi ang hindi naabot ng apoy. Pinilas niya ang mga piraso na 'yon at maiging tiningnan isa-isa.


"What?" Iyon ang naging reaksyon niya ng mapagmasdan ang mga piraso na galing sa comics.


Kamukha niya ang isa sa mga naka-drawing na character doon. Ang nakakapagtaka para sa kanya ay naroon din si Hiro. Siya, si Alora at Hiro ay ang bida sa kwentong ito.



*THE STAGE*


Nakita na lang ni Trevor ang sarili na nasa loob ng ospital at nagmamadaling hanapin si Alora doon. Naabutan niya ito na sa nasa harap ng Doctor's office kasama ang daddy nito. Ngumiti siya at saka marahan nang naglakad papalapit dito.



"Oh, Trevor!" Masaya si Alora'ng sinalubong si Trevor. Sinuklian lang siya ulit ni Trevor ng ngiti ang dalaga nang makalapit siya.


Sa loob-loob ni Trevor, alam niyang ayaw na siyang makita pa ni Alora.


Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now