JAXTON'S BIRTHDAY

80 14 5
                                    

CHAPTER 32:


*Claire's Point of view* (THE STAGE)


"Bakit dinala mo 'ko sa department store? Anong gagawin natin dito?" Nagtataka kong tanong nang ayain ako ni Jaxton na pumasok sa loob ng department store.


Inaya niya ako ngayong araw na lumabas dahil wala namang pasok, wala naman akong nagawa kundi ang tumango at sumama sa kanya. Wala akong ideya kung bakit niyaya niya akong lumabas kasama siya.

Nagpunta kami sa isang mall at ngayon ay pumasok sa isa mga department store dito. Sa tingin ko ay hindi basta ordinaryong mall na pasyalan lang ito, pinagmasdan ko kasi ang mga tindahan at mga tao na naglilibot libot sa loob, siguro ay purong mayayaman ang nandito.

Hinawakan lang ni Jaxton ang kamay ko at sinenyasan ang sales lady na lumapit sa amin nang makapasok kami sa department store. Hindi lang isang klase ang product ang nakadisplay. May bags, sapatos, at mga damit ito, wala masyadong tao pero sobrang ganda nang mga nakadisplay. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mamangha.

Habang kinakausap ni Jaxton ang saleslady ay sinubukan kong tumingin ng isang sapatos. Sobrang ganda no'n sa paningin ko kaya agad ko itong nilapitan. Kulay puting high heels na may may diamonds design ang paligid ng sapatos, talagang kumikinang ito sa ganda. Tiningnan ko ang price tag at agad akong napalayo doon, napakamahal nito, para sa katulad ni Jaxton, barya lang ang libo-libo pero para sa katulad ko hindi. Binitawan ko iyon at agad na ibinalik sa istante.


"Do you like that shoes, Claire?" Bigla akong binalingan ni Jaxton. Lumapit siya sa akin at tiningnan ang sapatos.


"Hindi, wala. Wala akong nagustuhan," sagot ko at napayuko.


Totoong gusto ko ang sapatos, ayaw ko lang na gumastos siya para sa'kin. Hindi ko naman talaga deserved ang ganitong trato niya sa akin.


"Miss, I'll take this one. Can you get her size too?" Kinuha niya ang sapatos at dinala sa counter.


"Jaxton, teka lang--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang isama ako ng sales lady sa may fitting room.


Hindi ko akalaing sapatos lang ang bibilhin ni Jaxton. Dahil pinasuot din ako ng sales lady ng isang light blue gown na maraming kumikinang na embroidery at may mesh sheath simula leeg hanggang three fourth ng braso ko.

Kahit ako ay hindi makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa harap ng salamin. Sarili ko ang tinitingnan ko, pero parang bigla nalang nagbago ang hitsura ko. Pinasuot din sa akin ang high heels na tiningnan ko kanina, bumagay ito sa suot ko. Bahagya akong napangiti dahil sa isip ko ay pinuri ko na ang nakikita ko ngayon.


"Sir, are you ready to see your girlfriend?" Narinig ko ang boses ng sales lady sa labas ng pinto. Nasa labas pala si Jaxton at naghihintay sa paglabas ko.


G-Girlfriend?


Nakangiti akong lumabas at napatayo naman si Jaxton sa prentang pagkakaupo. Pinagmasdan niya lang ang kabuuan ko, umikot pa ako saglit at saka lumapit sa kanya.


"You're so beautiful," 'yan lang tanging narinig ko kay Jaxton. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti dahil sa sinabi niya.


"Salamat Jaxton." Hindi iyon tungkol sa pagpuri niya kundi sa ginawa namin ngayong araw.


Inaya niya ang maupo sa bench na inupuan niya kanina at paupong lumuhod sa harap ko. Hindi pa ako makatingin sa kanya ng diretso, bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahiya.


Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now