WITH HIM

107 12 8
                                    

CHAPTER 28:


"Alam mo ba, ito ang unang beses na skip ako ng klase natin?" I secretly smiled then turn my face on him.

After ng P.E. class ay nagpalit na kaming lahat ng uniforms, at bumalik sa classroom namin. Instead na hintayin namin ang susunod na subject ay heto kami ni Hiro nasa may mini garden na tinatambayan din ng ibang estudyante.

Nakaupo lang kami doon at nakatanaw sa paligid. I can't keep swaying my feet, naka-crossed arms pa ako at hinahayaan lang ang oras. He just keep looking at me, nakapatong din ang mga kamay niya sa wooden bench na kinauupuan namin.


"Naalala mo 'ko 'diba?" Hindi ko maiwasang hindi siya tanungin dahil hindi niya ako pinansin kaninang umaga.

"Alora.." He just simply say my name. I don't know why I like him saying my name that way.

Sinagi ko ang balikat niya at tumabi pa sa kanya nang mas malapit, "Psh, ikaw ah? Huwag kang ganyan." Inayos ko ang pagkakaupo ko at humarap sa kanya. "Alam mo, masaya ako na nakilala kita, Hiro." I emphasized his name on the end.

He just smiled at me again, "Sasamahan kitang baguhin ang kapalaran mo." I am still amazed by him right now.

"T-Talaga?" Tinanguan niya lang ako. "Sabay nating babaguhin ang kapalaran natin. Hindi na ikaw ngayon si number 13, Hiro. Sisiguraduhin kong maalala ka na nila." Mas lalo pa akong tumabi sa kanya, at tiningnan niya akong gawin 'yon.

"Mmm," pagsang-ayon niya. Tumayo naman ako at hinatak ang kamay niya para umalis din sa pagkakaupo.


Natigilan kaming dalawa nang makitang paparating sina Becky at Karl. Kumaway pa sila at nakangiting naglalakad papunta sa direksyon namin. How did they know I'm here?

"Bakit nagsosolo ka dito?" Kunwari'y nagtatampong ani Becky nang makalapit sila. "At nakuha mo pa talaga mag-cutting classes? Do you know I am looking for you?"

"Oh!" Napaturo si Karl kay Hiro. They really don't know about him.

"Okay guys, meet Hiro," pagpapakilala ko. "Hiro, si Becky at si Karl nga pala."

"C-Classmate natin siya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Becky. "Bakit hindi mo sinabing may classmate tayong ganito ka-gwapo?" Pagkasabi ni Becky noon ay agad siyang nabatukan ni Karl.

"Kahit kay Jaxton hindi ka loyal, hindi ka naman maganda!" Karl mouthed. Napaiwas naman siya nang gantihan siya nang sabunot ni Becky. "Napakabrutal mo!"


Hindi na kami nagtagal sa pagtambay doon at bumalik na sa loob ng school building.

Days passed and I am always with Hiro, kahit hindi siya gaanong nagsasalita ay hindi niya na ako iniiwasan o nakakalimutan. I don't care about Trevor now, what important to me is I can be myself whenever Hiro is around.

Excited na akong pumasok kinabukasan, I don't know hindi naman ako ganito dati pero ngayon nabubuhayan ako ng pag-asa. I think Hiro gives me an inspiration to change what is already planned.

Sumilip ako sa bintana kung nandoon na si Hiro pero wala siya sa pwesto niya. Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang may humablot ng strap ng bagpack ko, dahilan para mapalingon ako kung sino iyon.


"H-Hiro.." Nakaharap at halos yakap niya na ako dahil sa ginawa niya. He literally just grab me by my bag pack? He just smiled at me, yumuko siya para magpantay ang mga mukha namin.


Please don't beep, huwag kang kiligin Alora. Stay Calm!


"Kamusta?" Bungad agad niya at itinaas ang isang kamay para kumaway. I don't know but I just stare on his parted lips. What am I doing?!


Napalunok ako sa naisip at saka marahang inilayo ang sarili niya sa'kin. I also clears my throat, pakiramdam ko ay ang awkward naming dalawa na hindi naman talaga dapat.

"Psh, ikaw ah? Kahapon ka pa!" Napalo ko pa tuloy ang balikat niya pero tiningnan niya lang iyon. Iniiwasan kong mapangiti ng todo, baka isipin niyang masyado akong kinikilig.

Siya ang nagbukas ng pinto para sa akin. Hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan kahit na nagsisimula na ang klase namin. Nakayuko lang ako sa arm desk ko at nakatingin sa kanya, marahan kong pinukpok ang ulo ko, no way that I am going to this whole day, no way!

Nahuli niya akong nakatitig sa kanya kaya naman kinuha ko ang libro na nakapatong sa arm desk ko at ipinantakip ko sa mukha ko. Sana naman ay hindi niya ako pagtawanan, iniangat ko nang kaunti ang libro at nakatingin pa rin siya sa akin na parang napakainosente.

"Okay class, all eyes on me." Natigilan ako nang marinig ko ang boses ng teacher namin. Nag-ayos ako ng upo at itinutok ang paningin sa harap. "We will visit a old antique house, para mag-observe. I know the field trip is done pero kailangan nating pumunta doon. Be ready for next week dahil wala tayong klase at required kayo na pumunta lahat."

Naging excited naman ang reaksyon nang lahat nang malamang may pupuntahan naman kaming lugar. Well, minsan lang magkaroon ng mga ganito sa school, at okay naman ito ngayon dahil for educational purposes naman.

"Kasama kaya si Hiro? Baka hindi siya isama ng writer?" I muttered. Nagpalumbaba pa ako at muling tumingin kay Hiro. Nakafocus siya sa harapan at nakikinig. I can't stop smiling right now.

I am excited for that day, I can have time with Hiro again, except when writer needs to be in character for Claire and Jaxton or for Trevor. I will be annoyed by that, for sure.

Another week passed, dumating na nga ang araw ng panibagong educational trip namin. Isang araw lang naman ito pero sobrang excited ako.

Habang nasa bus stop kami ay hinanap na kaagad ng mga mata ko si Hiro, and thankfully He's there. Hindi kami required na magsuot ng uniform kaya naman kanya-kanyang porma ang mga kaklase ko. Nagsuot lang ako ng White checkered plaid dress na long sleeves at above the knee na ibinagay ko sa suot kong white na high heels.

Sumakay na kaming lahat sa bus at nagtungo sa destination namin. I exactly don't know where we are right now, buong biyahe ay tahimik lang ako at nakikinig ng music sa earphones ko.

Namangha ako nang makita ko ang kabuuan ng lugar, it's not a resort pero may malaking garden pagpasok at makikita ang iba't ibang ancestral structures at mga statues na bubungad sa iyo.


"Okay class, feel free to enjoy the whole place. I'll check on you later, magnotes din kayo nang mga mapapansin n'yo." Hindi ko na pinansin ang sinasabi nang teacher namin at nag-ikot-ikot na sa lugar.


May isang structure ang umakit ng paningin ko. Mababa lang ito at may staircase pa na gawa sa kahoy kahit pa na malapit lang ito sa lupang tinutungtungan ko.

Napalingon naman ako nang may maramdamang yabag sa likuran ko. It's Hiro, siguro ay sinundan niya ako.


"Akala ko ay hindi ka makakasama," bungad ko kaagad at naupo sa staircase. Ginaya naman niya ako at naupo sa tabi ko. Itiningala niya ang mukha na parang tinitingnan ang kabuuan ng paligid.


"Hiro.." I called his name again.

"Hmm?" Kumibo ito at tumingin sa akin.

"Nothing. Gusto ko lang banggitin ang pangalan mo," ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa hita ko, naitiklop ko ang mga ito at saka muling bumaling kay Hiro. "Masaya ako na kasama ka."


TO BE CONTINUED..

Look, I found you (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon