TREVOR CARES

116 15 9
                                    

CHAPTER 30:


Maaga na ako palaging pumapasok. Nakakagana mag-aral at pumasok araw-araw kaysa noon, of course the reason will always be Hiro.

Hindi muna ako pumasok at sumilip lang sa may bintana. Natanaw ko si Hiro na nakadungaw lang sa may bintana. Pinapanood ko lang siya at palihim na napapangiti nalang bigla.

I am still thinking about what Zack said about me and Hiro. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko, at pinipilit na huwag kiligin. Natigilan ako nang may biglang sumulpot sa likuran ko, it's Trevor.


"Anong ginagawa mo?" He is not in bad mood now, I guess? Hindi niya ako sinungitan pero alam kong nakita niya ang kabaliwan ko.


"N-Nothing. Just admiring, my Hiro?" Nailagay ko din sa magkabilang tenga ang buhok na sa gilid ng mukha ko at tumayo ng maayos.


"Tsk, My Hiro?" He frowned and rolled his eyes.


I know He is not in good terms with Hiro. Naiirita siya na si Hiro ang binibigyan ko ng atensyon ngayon.


"Pumasok ka na, huwag mo 'ko intindihin dito!" Pagsasaway ko at hindi na siya pinansin.


Wala na akong pakialam kung hindi ako ang bida sa comic book na ito, ang importante sa akin, ako ang tunay na Alora sa shadow lalo na kapag kasama si Hiro.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang teacher namin. Nagfocus muna ako sa pakikinig sa klase, napapasulyap pa rin ako kay Hiro pero pinipigilan ko, ayaw kong mahuli ulit niya akong nakatitig sa kanya, nakakahiya!



*Clicking sound* (THE STAGE)


Nagmulat ako ng mata at tiningnan ang paligid, nasa may field ako ngayon. Tiningnan ko rin ang kabuuan ko, naka-P.E uniform ako at nasa harap ko ngayon si Trevor na naka-P.E. din at may hawak na tennis racket.

Palihim akong nadismaya at napa-irap. I'm in stage again, with Trevor. Palaging ganito ang set-up namin, kung hindi kasama ang parents namin ay may sarili kaming mundo.


"What did you say that you want us to get married soon?" Iyon agad ang unang lumabas sa bibig ni Trevor. Hinawakan pa niya ang kanang braso ko, he is mad at me again.


M-Me? Getting married to him? Soon?


"T-Trevor, please listen.." mahinang saad ko para hindi niya na ako pag-initan pa.


It's the weak and naive Alora, again.


"Alam mo namang ayaw ko sa'yo di'ba? Bakit ba lagi mong ginugulo 'yung buhay ko?"


Parang kinurot ang puso ko, I know deep in my heart, that one I like now is not him pero masakit pa rin ang mga sinabi niya. Weather he mean it or not, masakit pa rin 'yun sa side ko, that in ten years that I'm always beside him, run after him, kahit katiting ay hindi iyon nasuklian.


"Our  parents agreed to this, Trevor." I said anxiously. My heart is pounding, I can't take Trevor's words now.


Pinipigilan kong hindi tumulo ang mga luha ko, tinatagan ko ang loob ko pero halos sumabog na ako. Napatiklop ako ng kamao at masamang tumitig sa kanya.


"You hate me?" He just give a smirked smile and look away. "Tss, mas gugustuhin ko 'yon kesa pakisamahan ang katulad mo."


His face and his tone doesn't change at all. Wala siyang pakialam sa kung anong nararamdaman ko, napakasama niya!


Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now