TRYING A CHANGE

140 33 7
                                    


CHAPTER 13:


*Claire's Pov*


THE STAGE



"Jaxton!" nasabi ko nang makita ko si Jaxton sa harapan ko, at buksan ang pinto.


"Claire," Patakbo niya akong nilapitan para tulungang makatayo.


Napahagulgol ako sa kanya, at niyakap siya. Iniligtas na naman ako ni Jaxton sa pambubully na ginagawa sa'kin.


"Ssshh." Tinatatapik ni Jaxton ng marahan ang balikat ko habang nakasandal ako sa kanya. "Nandito na 'ko, no one will harm you again."


"S-salamat, Jaxton. Kung hindi dahil sa'yo, baka kung ano nang nangyari sa'kin." Kumalas ako sa pagkakayakap ko, at humawak sa magkabilang braso niya.


Nakatingin lang siya ng diretso, at inilagay sa tenga ko ang nakalaylay kong buhok. Ang seryosong mukha niya ay talagang kakaiba, napangiti ako pagkatapos no'n.



*End of stage*



Napatingin ako sa mga paa ko, hindi ko rin alam kung bakit ko tiningnan ang sapatos ko. Parang may nangyaring hindi ko maalala.


"Tara na, Claire." Aya sa akin ni Jaxton. Inilalayan pa rin niya ako palabas ng pinto.


Paglabas namin ay nakita kong nasa labas si Zack. Bigla akong napatingin sa kanya, ngunit bigla ring nag-iwas ng tingin. Hindi ko rin alam kung bakit ako napatingin, pakiramdam ko ay may nangyaring hindi ko alam, dahil ang tanging ginawa ni Jaxton ang naaalala ko.



*Alora's Pov*


Nasa library lang ako at nagbabasa ng mga notes, napapalumbaba din ako kung minsan dahil sa pagkabagot. I need to review my notes and read books, dahil malapit na naman ang examination. After naman no'n, will be a good time dahil foundation day na ng Serienne Highschool, one week din 'yun kaya sulit lang konting tiis ng pag-re-review.


Napansin ko si Zack na kumukuha na din ng libro sa shelf, seryoso ang mukha nito ngayon kumpara sa histura niya kahapon. Did he do a great job kahapon or not?


Papunta naman si Claire sa harap na ng shelf, kung saan naghahanap ng libro si Zack. Naghahanap din ito ng libro, at hindi nila alam na magkaharap na sila, na ang tanging bakod na lang ay ang shelf na nasa harap nila.



Kawawa naman si Zack, Hopeless romantic na ata talaga siya kay Claire.



Hindi ako makapag-focus ng maayos, at natingin na ang atensyon ko sa kanila. Parang nanonood ako ngayon ng telenovela ng live, dahil sa kanilang dalawa.


Tumigil sila sandali, malamang nakita na nila ang isa't isa. Parang natameme si Zack, at nangiting parang na-istatwa sa harap ng shelf, habang paalis na naman si Claire dala ang isang libro.



"Psst!" sinitsitan ko si Zack para makuha ang atensyon niya. Hindi kasi maaring mag-ingay lalo na't maraming nag-aaral.


Natinag naman siya, at napalingon sa akin. Naglakad na siya papunta sa pwesto ko, at naupo sa harap ko.


His face annoys me. Para kasing hindi pa rin naalis ang ngiti niya, malakas talaga ang tama niya kay Claire.



"D-Did you see that?" He looks like a kid, sobrang excited niyang magsalita.


"Mmm! Parang tuod ka nga e, ganyan nakangiti ka pa kanina," saad ko at ibinaba ang binabasa kong libro.


"She smiles at me. Naalala kaya niya 'yung ginawa ko?" Naitukod pa niya ang dalawang siko, at saka umayos ng pagkakaupo.


Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now