LOST IN THE WOODS

131 22 5
                                    

CHAPTER 22:

"Aww, nag-away na naman pala kayo ni Trevor kanina?" tanong agad ni Karl nang makapasok ako sa kwarto naming tatlo nina Becky.


Muli akong nagpalit ng damit matapos ang stage namin kanina ni Trevor, at pagkagaling ko sa rock formation.


Iminuwestra ko ang kamay ko sa hangin bago tuluyang magsalita, "Hep! Don't ever mention that name in front of me. Lalo akong naiinis kapag naririnig siya."


Nakaupo lang siya sa isang couch na nasa tabi ng lampshade table. Nakaharap ang mukha niya siya sa camera niya, at tinitingnan siguro ang mga shots namin kanina.

Malata akong umupo sa kama, at naibagsak ang mga kamay ko sa magkabilang gilid. Kakaupo ko palang ay sumakit na naman ang ulo ko. Nakita ko na naman ang story board!


"May problema ba?" Nalingat bigla si Karl sa akin at natigil sa ginagawa.


"It's all about me again, I'll definitely change my scene." onfident kong saad at napatayo bigla sa pagkakaupo sa kama.


"Ha? Anong sinasabi mo dyan?" nagtatakang tanong ni Karl.


"Basta! Huwag n'yo na 'ko hanapin bukas sa last activity na mayroon tayo ah? I have plans," sagot ko.


Tommorow will be the last day of this field trip. Talagang mukhang hindi hahayaan ng writer na lubos akong maging masaya sa mga araw na 'to.

Kinabukasan ay pina-announce na ni Jaxton ang huling gagawin sa field trip na ito. May mountain area daw na malapit dito at doon daw kami pupunta ngayon.

Nag-ayos na ako para sa susunod na destination na pupuntahan namin. Nagsisakay na kaming lahat sa bus, at kami pa rin ni Claire ang magkatabi.


*THE STAGE*


"Alora, gusto mong masahiin ko ang mga kamay mo?" Magiliw na tanong ni Claire sa akin. Walang anu-ano'y kinuha niya ang braso ko at hinilot-hilot.


"Aah, sure. Wala namang problema." I answered immediately. Palihim akong nag- poker face at muling tumingin sa ginagawa niya.


Talagang kailangan ako sa buhay ng bida?


"Alam mo ba tinuruan ako ng lola ko dati na magmasahe. Sa kanya ko natutunan 'to," aniya at ipinagpatuloy pa rin ang pag-hilot sa braso at kamay ko. "Nakaka-relax daw ito lalo na sa sakit mo." Nginitian pa niya ako, at nginitian ko din siya.



*End of stage*


Kahit tapos na ang stage ay hindi niya na pinakawalan ang braso ko at tumingin na lang sa bintana.

Masaya ang lahat nang makababa kami sa destination namin. Nakakapit si Becky at nakadikit naman si Karl sa akin pagkababa namin. Mukhang si Becky lang ang masaya sa gagawin dito, nang bumungad sa amin ang isang tent doon at may banner pa na may nakasulat na, "Love in the woods"


"Tingnan mo, Alora. Excited na 'ko mamayang gabi, hihi. Baka dito na kami magkatuluyan ni Jaxton. Tingin mo?" Halatang kilig na kilig siya kapag si Jaxton ang napag-uusapan.


"Asa ka namang magkakatuluyan kayo?" Dahil sa salitang iyon ni Karl ay agad siyang binatukan ni Becky. Pinagtawanan ko nalang sila at hinanayaang mag-asaran.


Hinanap ng mga mata ko si number 13. He's not even around, I wonder where he is right now. Nahagip din ng paningin ko si Trevor, he's with Ella once again. Talagang parang linta makakapit si Ella kay Trevor, at napansing natingin din ako sa kanya.

Look, I found you (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now